Panatilihin ang mapayapang paninindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total views

Hindi kailanman nararapat na maisantabi ang mapayapang pagkakaisa ng mga Filipino upang makamit ng bansa ang demokrasya at kalayaan na ngayon ay hinahangaan sa mundo.

Ito ang payo ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgillo David sa patuloy na pagsusulong ng pagkakaisa ng mga mamamayang Filipino katulad ng EDSA People Power o bloodless revolution 32-taon na ang nakaraan kung saan matagumpay na nakamit ang hangad na kalayaan mula sa mga pang-aabuso at paniniil ng rehimeng Marcos.

Ipinagdarasal ng Obispo na mapapanatili ng mga Filipino ang kultura ng paninindigan para sa tama at mapayapang paraan.

“alam niyo po ito ay isang bagay na dapat ipagmalaki natin sa buong mundo na tayo bilang mga Filipino ay nagtagumpay sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, ito dapat huwag nating kaliligtaan kasi ito’y regalo din pero isa sa mga regalong tanggap natin ay ang ating pagiging isang malayang bansa at sana huwag natin itong isasantabi, iti-take for granted kasi ang daming ibang mga bansa na na-inspire sa atin dahil sa ating people power revolution panatilihin natin yung tradisyon ng paninindigan sa tama pero sa mapayapang paraan…” pahayag ni Bishop Pablo Virgillo David sa panayam sa Radyo Veritas.

Patuloy rin ang panawagan ng Obispo sa sambayanang Filipino na manindigan sa tama at pagiging matalino sa pakikibahagi sa mga usaping panlipunan tulad na lamang ng usapin ng kasagraduhan ng buhay.

Umaapela rin si Bishop David sa bawat isa na tunay na pagnilayan ang panahon ng Kuwaresma na pag-aalay ng buhay ng bugtong na anak ng Diyos upang matubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Kaugnay nito, nakatakdang gunitain ang Maundy Thursday, Good Friday at Black Saturday sa ika-29 hanggang ika-31 ng Marso na susundan naman ng muling pagkabuhay ni Kristo o Easter Sunday sa unang araw ng Abril.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 15,077 total views

 15,077 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 189,011 total views

 189,011 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 166,644 total views

 166,644 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 230,319 total views

 230,319 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 249,042 total views

 249,042 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top