Taumbayan, hindi makikinabang sa Charter Change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 522 total reads

Hindi kapakanan ng mga mga mamamayan ang prayoridad ng mga mambabatas sa pagsusulong ng Charter Change kundi ang kanilang mga pansariling interes, kanilang mga posisyon at katungkulan.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Teresita Alo, SFIC isa sa mga madreng miyembro ng Gomburza na mariing tumututol sa charter change.

Iginiit ng Madre na ang pananatili ng political dynasty ang isang batayan sa pagiging gahaman ng mga politiko sa posisyon at kapangyarihan kung saan ang mga mahihirap ang magdurusa sa negatibong resulta ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.

“It will not really benefit our people and then of course dynasty system will go on and then this is really perpetuation of power kasi ayaw nilang bumaba sa kanilang mga posisyon dahil malaki ang advantage na nakukuha nila at the expense of the poor so talagang strongly we are going to protest against Cha-Cha” pahayag ni Sr. Alo sa panayam sa Radyo Veritas.

Naninindigan ang Madre na isa mga key player ng EDSA 1 na lalong paigtingin ang pagtutol sa planong pagpapalit ng Saligang Batas upang bigyang daan ang Federalismo na ninanais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Paliwanag ni Sister Alo, mabigat ang implikasyon sa mga mahihirap ng pagpapalit ng Saligang Batas sapagkat tanging ang mga mayayaman at mga nasa posisyon lamang ang makinabang dito.

“Labanan ang Cha-Cha hindi namin pwedeng pahintulutan na maipasa ang Cha-Cha kasi mabigat ang implikasyon niyan sa mga mahihirap lalong lalo na kasi nakapaloob diyan yung Federalismong nais isulong ng ating Presidente Duterte ito’y pagpapahirap lamang sa mga mahihirap ang it will perpetuate the power that is already there in government” Dagdag pa ni Sr. Teresita Alo.

Kaugnay nito, inihayag ni Rev. Fr. Robert Reyes – Spokesperson ng Gomburza na kanilang paiigtingin ang pagkilos para tutulan chacha.

Matatandaang pinangunahan ng Gomburza ang 9 na araw na pagdadasal at pag-aayuno na Dasal at Ayuno Laban sa Cha-Cha, Para sa Demokrasya upang ipahayag ang pagkundina sa isinusulong na pag-amyenda ng mga mambabatas sa Saligang Batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,471 total reads

 49,471 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,157 total reads

 129,157 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,604 total reads

 162,604 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,902 total reads

 197,902 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,492 total reads

 422,492 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top