Krisis ng basura sa Boracay mas malala kumpara sa Panglao Bohol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total reads

Tiniyak ni Father Feliz Warli Salise, Social Action Director ng Diocese of Tagbilaran na hindi pa maituturing na katulad sa isla ng Boracay ang suliranin sa basura ng isla ng Panglao sa Bohol.

Ayon sa pari, bagamat marami ba ring establisyimento sa Panglao ay hindi naman ito kasing dami ng mga commercial buildings sa Boracay na nasa mismong baybay dagat o tabing-dagat.

Sinabi ni Father Salise na bagamat mayroong findings nang pagkakaroon ng coliform sa tubig dagat ng Panglao ay aktibo naman ang Local Government Units upang masunod ng mamamayan ang proper waste segregation, composting at recycling.

“Yung ina-advocate natin dito ay nagsupport din tayo sa ginagawa ng gobyerno na segregation of wastes na kung maaari ay may mga basurahan, sa bahay mismo.” Pahayag ni Father Salise sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Father Salise na halos hindi naman nakaapekto ang banta ni pangulong Rodrigo Duterte na maaari ring ipasara ang Panglao Island.

Paliwanag ng Pari, marami pa rin ang mga turistang dumadagsa sa lalawigan ng Bohol kung saan nais ng ilan na makita kung tunay ang mga balitang marumi na ang isla at dapat nang ipasara.

“As of now dumadami talaga [ang tourists], let’s say 30 trips per day yung mga fastcat at may mga slow boats pa na puno ng mga turista at may mga flights pa, kaya isa din yun sa talagang tinitingnan natin dahil parang sumusunod ito sa Boracay dahil maraming pumupunta dito at kinukumusta yung mga dumi mga basura kung may ginawa ba ang NGO sa mga dumi at basura dito.” Pahayag ng Pari.

Gayunman, kinumpirma ni Father Salise na kung tuluyang mapababayaan ang Panglao at hindi isasaayos ng ilang mga hotel at resorts ang kanilang waste disposal ay hindi malayong matuluyan ang pagpapasara dito.

“Ang problema siguro from the resorts, from the hotel baka walang mabuting sewerage at yung iba hindi sumusunod at yun ang nakakadagdag sa content ng coliform sa dagat na pinaliliguan ng mga bisita dito.” Dagdag pa ni Father Salise.

Nitong nakaraang linggo inilabas ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau ang listahan ng 81 resorts and hotels na binigyan ng Notice of Violation, ilan sa mga ito ang natukoy na expired na ang permit subalit patuloy pa rin sa operasyon.

Kaugnay nito, binibigyan naman ng DENR-EMB ang mga naturang establisyimento ng 3-buwan upang magsagawa ng corrective measures.

Hinihingi ng ahensya ang tulong ng Lokal na Pamahalaan sa Panglao upang ipatupad ang kautusan sa 81-establishment na kabilang sa listahan.

Ayon sa DENR-EMB ang makukuhang ulat mula dito ay ihahatid kay DENR Secretary Cimatu at iuulat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala naman ang Diocese of Tagbilaran na maaaring maisalba ang malaparaisong isla ng Panglao kung magtutulungan ang mamamayan, pamahalaan at pribadong sektor sa pagpapanatili ng kalinisan sa isla.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 720 total reads

 720 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,311 total reads

 36,311 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 72,795 total reads

 72,795 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,006 total reads

 91,006 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,309 total reads

 175,309 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,224 total reads

 378,224 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top