Panatilihin ang mapayapang paninindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total reads

Hindi kailanman nararapat na maisantabi ang mapayapang pagkakaisa ng mga Filipino upang makamit ng bansa ang demokrasya at kalayaan na ngayon ay hinahangaan sa mundo.

Ito ang payo ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgillo David sa patuloy na pagsusulong ng pagkakaisa ng mga mamamayang Filipino katulad ng EDSA People Power o bloodless revolution 32-taon na ang nakaraan kung saan matagumpay na nakamit ang hangad na kalayaan mula sa mga pang-aabuso at paniniil ng rehimeng Marcos.

Ipinagdarasal ng Obispo na mapapanatili ng mga Filipino ang kultura ng paninindigan para sa tama at mapayapang paraan.

“alam niyo po ito ay isang bagay na dapat ipagmalaki natin sa buong mundo na tayo bilang mga Filipino ay nagtagumpay sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, ito dapat huwag nating kaliligtaan kasi ito’y regalo din pero isa sa mga regalong tanggap natin ay ang ating pagiging isang malayang bansa at sana huwag natin itong isasantabi, iti-take for granted kasi ang daming ibang mga bansa na na-inspire sa atin dahil sa ating people power revolution panatilihin natin yung tradisyon ng paninindigan sa tama pero sa mapayapang paraan…” pahayag ni Bishop Pablo Virgillo David sa panayam sa Radyo Veritas.

Patuloy rin ang panawagan ng Obispo sa sambayanang Filipino na manindigan sa tama at pagiging matalino sa pakikibahagi sa mga usaping panlipunan tulad na lamang ng usapin ng kasagraduhan ng buhay.

Umaapela rin si Bishop David sa bawat isa na tunay na pagnilayan ang panahon ng Kuwaresma na pag-aalay ng buhay ng bugtong na anak ng Diyos upang matubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Kaugnay nito, nakatakdang gunitain ang Maundy Thursday, Good Friday at Black Saturday sa ika-29 hanggang ika-31 ng Marso na susundan naman ng muling pagkabuhay ni Kristo o Easter Sunday sa unang araw ng Abril.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,388 total reads

 48,388 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,108 total reads

 128,108 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,555 total reads

 161,555 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,853 total reads

 196,853 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,504 total reads

 421,504 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top