Parusahan ang mga recruiter ni Demafelis-CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 382 total views

Nararapat ring maparusahan ang mga Filipino recruiters ni Overseas Filipino Worker Joanna Demafelis na pinaslang ng employer sa Kuwait.

Ito ang panawagan sa pamahalaan ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kasunod ng pagpapataw ng parusang kamatayan ng bansang Kuwait sa mag-asawang amo ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.

“Now as guilty were sentenced, let us not forget those who sent, placed Joanna to Kuwait. They, the Filipino recruiters of Joanna, should also be prosecuted and justice be served.” pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa Radio Veritas

Ayon sa Obispo, ang naging tugon ng Kuwait sa pagpapataw ng kaparusahan sa mag-asawang employer ni Joanna ay pagpapakita ng katapatan at kagustuhan ng pamahalaan ng Kuwait na mabigyang katarungan ang pagkamatay ng OFW at maprotektahan ang karapatang pantao maging ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.

Dahil dito, umaasa si Bishop Santos na hindi na muling maulit pa ang marahas na sinapit nI Demafelis sa iba pang mga dayuhang manggagawa sa Kuwait at ganap nang maprotektahan at kilalanin ang mga karapatan at dangal ng mga OFW sa naturang bansa.

“It shows sincerity and seriousness of Kuwait to correct a wrong, to serve justice and to defend human rights. We hope that the case of Joanna will be last, and rights and dignity our OFWs will be protected and respected there in Kuwait.” Apela ni Bishop Ruperto Santos.

Tiniyak rin ng Obispo ang patuloy na pananalangin hindi lamang para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni Joanna kundi maging para sa katatagan at paghilom ng damdamin ng pamilya Demafelis sa pagkakaroon ng katarungan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

“We share in the sorrow and sufferings of the family of Joanna. We are one with you in prayers and our celebration of holy masses. With God’s divine justice Joanna is resting now with Him in Heaven. With God’s mercy there will be healing. Continue to trust God all the more. God is our hope. He helps us always.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Samantala, nilinaw naman ni Bishop Santos na sa kabila ng pagpupunyagi sa pagpapataw ng Kuwait ng kaparusahan sa mag-asawang employer na pumaslang kay Joanna Demafelis ay nananatiling hindi sang-ayon ang Simbahan sa pagpapataw ng parusang kamatayan sapagkat hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang mga ito ng ganap na magsisi sa kanilang nagawang kasalanan.

May 2014 nang nagtungo si Joanna Demafelis sa Kuwait upang magtrabaho bilang Domestic Helper ngunit noong Pebrero ay natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng isang freezer sa isang abandunadong apartment.

Sa tala, mayroong higit sa 250,000 ang mga manggagawang Filipino sa Kuwait kung saan may 1,700 na manggagawa ang umuwi sa isinagawang repatriation program ng Pangulong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 2,417 total views

 2,417 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 28,873 total views

 28,873 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 79,557 total views

 79,557 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 85,579 total views

 85,579 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 114,645 total views

 114,645 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top