Maranao, dapat manguna sa reconstruction ng Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 313 total views

Nananawagan si Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa pamahalaan na pakinggan ang kahilingan ng mga Maranao kaugnay sa planong rehabilitasyon ng Islamic City.

Ayon kay Bishop Dela Peña, nawa ay bigyang pagkakataon ng gobyerno ang kahilingan ng mga taga-Marawi at magkaroon ng tinig kung paano nila nais na muling maitayo ang lungsod at kanilang tahanan na kanila ring lupaing mana.

“Sana ang mangunguna sa reconstruction dito sa Marawi ay ‘yung mga Maranao mismo sila ang pakikinggan ng gobyerno kung paano nila itatayo muli. Ang aking role dapat dito ay supporting role dapat ang mangunguna ang Maranao mismo at kung paano nila ire-reconstruct sana bigyan sila ng malaking role dito kasi sa kasalukuyan yata ay ang plano na ginagawa ay gawa ng city planners, urban developers medyo tumututol ang mga muslim dito dahil ito ay Islamic City of Marawi dapat sensitibo ito sa Islamic na pamamaraan,” paliwanag ni Bishop Dela Peña sa Radio Veritas.

Ayon kay Bishop Dela Peña, may kultura at paniniwala ang mga Muslim na dapat na isaalang-alang sa muling pagsasaayos ng lugar na nasira ng digmaan.

Paliwanag pa ng Obispo kabilang sa plano ang pagtatayo ng mga entertainment establishment na layuning makapag-engganyo ng mga turista sa lungsod na hindi naman sinasang-ayunan ng mga residente.

Paliwanag ng Obispo ang Islamic City ay kabilang sa mga lupaing mana ng mga Maranao na kanilang nais na pangalagaan at manatili ang kulturang kinagisnan.

Ang Marawi ang natatanging Islamic City sa Pilipinas na binubuo ng 96 na barangay na may higit sa 300,000 populasyon kung saan may 90 porsiyento ang mga Muslim.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 266 total views

 266 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 23,417 total views

 23,417 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 93,530 total views

 93,530 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 168,144 total views

 168,144 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 248,201 total views

 248,201 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top