Parusahan ang mga recruiter ni Demafelis-CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 400 total views

Nararapat ring maparusahan ang mga Filipino recruiters ni Overseas Filipino Worker Joanna Demafelis na pinaslang ng employer sa Kuwait.

Ito ang panawagan sa pamahalaan ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People kasunod ng pagpapataw ng parusang kamatayan ng bansang Kuwait sa mag-asawang amo ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun.

“Now as guilty were sentenced, let us not forget those who sent, placed Joanna to Kuwait. They, the Filipino recruiters of Joanna, should also be prosecuted and justice be served.” pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa Radio Veritas

Ayon sa Obispo, ang naging tugon ng Kuwait sa pagpapataw ng kaparusahan sa mag-asawang employer ni Joanna ay pagpapakita ng katapatan at kagustuhan ng pamahalaan ng Kuwait na mabigyang katarungan ang pagkamatay ng OFW at maprotektahan ang karapatang pantao maging ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.

Dahil dito, umaasa si Bishop Santos na hindi na muling maulit pa ang marahas na sinapit nI Demafelis sa iba pang mga dayuhang manggagawa sa Kuwait at ganap nang maprotektahan at kilalanin ang mga karapatan at dangal ng mga OFW sa naturang bansa.

“It shows sincerity and seriousness of Kuwait to correct a wrong, to serve justice and to defend human rights. We hope that the case of Joanna will be last, and rights and dignity our OFWs will be protected and respected there in Kuwait.” Apela ni Bishop Ruperto Santos.

Tiniyak rin ng Obispo ang patuloy na pananalangin hindi lamang para sa ikapapayapa ng kaluluwa ni Joanna kundi maging para sa katatagan at paghilom ng damdamin ng pamilya Demafelis sa pagkakaroon ng katarungan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

“We share in the sorrow and sufferings of the family of Joanna. We are one with you in prayers and our celebration of holy masses. With God’s divine justice Joanna is resting now with Him in Heaven. With God’s mercy there will be healing. Continue to trust God all the more. God is our hope. He helps us always.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Samantala, nilinaw naman ni Bishop Santos na sa kabila ng pagpupunyagi sa pagpapataw ng Kuwait ng kaparusahan sa mag-asawang employer na pumaslang kay Joanna Demafelis ay nananatiling hindi sang-ayon ang Simbahan sa pagpapataw ng parusang kamatayan sapagkat hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang mga ito ng ganap na magsisi sa kanilang nagawang kasalanan.

May 2014 nang nagtungo si Joanna Demafelis sa Kuwait upang magtrabaho bilang Domestic Helper ngunit noong Pebrero ay natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng isang freezer sa isang abandunadong apartment.

Sa tala, mayroong higit sa 250,000 ang mga manggagawang Filipino sa Kuwait kung saan may 1,700 na manggagawa ang umuwi sa isinagawang repatriation program ng Pangulong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 1,583 total views

 1,583 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 24,734 total views

 24,734 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 94,847 total views

 94,847 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 169,461 total views

 169,461 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 249,424 total views

 249,424 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 2,731 total views

 2,731 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top