Interfaith prayer, isasagawa sa isang taong anibersaryo ng Marawi Siege

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 365 total views

Isang taon makaraan ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at teroristang grupo na Maute-Isis, isang interfaith prayer ang isasagawa sa Marawi City sa ika-23 ng Mayo bilang pagkilala at pag-alaala sa mga nasawi.

Ang pagtitipon ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña ay inorganisa ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na dadaluhan ng mga mga residente ng lungsod, Kristyano man at mga Muslim.

“We will give fitting tribute to all those who lost their lives… some of those who offered their lives so that we could be free we could enjoy our freedom now,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Isasagawa ang pagdiriwang sa Marawi provincial gymnasium, alas-9 ng umaga na inaasahang dadaluhan ni Peace Process Secretary Jesus Dureza.

Si Bishop Dela Peña ang siyang magiging kinatawan ng mga kristiyano para pangunahan ang panalangin para sa mga yumao.

Bukod sa Parochial Vicar na si Fr. Chito Soganub, apat manggagawa ng St. Mary’s Cathedral ang dinukot ng mga terorista kung saan ang dalawa sa mga ito ang nasawi sa digmaan.

Sa higit 1,000 katao na nasawi sa limang buwang digmaan, higit sa dalawang daan katao ay pawang mga pulis, sundalo at mga sibilyan.

May 2017 nang salakayin ng mga terorista ang Islamic City ng Marawi na ang pangunahing sinira ay ang St. Mary’s Cathedral.

Higit sa 300 libo katao o buong populasyon ng lungsod ang nagsilikas dahil sa kaguluhan na ang ilan ay hanggang ngayo’y naninirahan sa mga transitional houses na inilaan ng pamahalaan at sa kanilang mga kamag-anak sa karatig lalawigan.

Una na ring binigyan diin ni Pope Francis sa kaniyang mga mensahe na kailan man ay hindi makatwiran ang digmaan at karahasan dahil sa dulot nito ay kamatayan at pagkasira ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 88,432 total views

 88,432 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 88,432 total views

 88,432 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 88,432 total views

 88,432 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 85,765 total views

 85,765 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 78,319 total views

 78,319 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top