Simbahang Katolika sa Pilipinas, mayroong 9 na ‘Sede Vacante’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 799 total reads

Hinikayat ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mga mananamapalataya na patuloy na manalangin para sa biyaya ng bokasyon at ang pagkakaroon ng mas maraming pang obispo sa bansa.

Ito ay upang mapunan ang siyam pang mga diyosesis na ‘sede vacante’ o walang nakaupong Obispo.

Sa kabuuan ang Pilipinas ay may higit sa 140 mga obispo kabilang na ang mga retirado.

“It is the Rome that will decide. Let us pray and mag-response ang mga pari at mga obispo. That they will do their work immediately,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Nagpapasalamat din ang arsobispo sa mga bagong itinalagang Obispo ng Santo Papa Francisco tulad ni Bishop Raul Dael na inordihan at itinalaga ng kaniyang Kabanalan Francisco bilang bagong Obispo ng Diocese ng Tandag.

Nagagalak din ang Arsobispo sa pagbibigay ng tuon ng Santo Papa Francisco sa pagtatalaga ng mga Obispo sa bawat diyosesis para kumalinga sa mga 86 na milyong katoliko sa buong Pilipinas.

Sa taong ito, pitong bagong obispo ang itinalaga ng kaniyang kabanalan Francisco para mapunan ang mga bakanteng posisyon sa mga diyosesis.

Bukod kay Bishop Dael, itinalaga din ni Pope Francis sina bishop-elects Abel Apigo sa Mati; Bartolome Santos sa Iba; Louie Galbines Kabankalan; Medil Aseo sa Tagum; Daniel Presto sa La Union; at Cerilo Casicas sa Marbel.

“Maganda at kailangan ‘yun kasi we are a catholic country so ‘yun talaga bigyang pansin bigyang halaga,” ayon pa kay Bishop Jumoad. Ang mga diyosesis ng Butuan, Daet, Ilagan, Iligan, Isabela, Malolos, Military Ordinariate, San Jose de Antique at San Jose Mindoro ay wala pang mga nakaupong obispo.

Tatlo pang Obispo sa Mindanao ang inaasahang magretiro ngayong taon kabilang na sina ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na 75-taong gulang; Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, 79; Pagadian Bishop Emmanuel Cabajar.

Base sa canon law, pinagsusumite ng liham para sa kanilang pagbibitiw ang mga cardinal, arsobispo at obispo sa oras sa pagtungtong ng ‘retirement age’ na 75.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,505 total reads

 5,505 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,796 total reads

 40,796 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,280 total reads

 77,280 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,491 total reads

 95,491 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,535 total reads

 179,535 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top