Ipakita sa 2019 election ang pagkadismaya sa administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 316 total views

Ngayon pa lamang ay dapat nang suriin ng publiko ang mga nais na tumakbo sa 2019 National Elections.

Ayon kay Dinky Soliman, dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Aquino Administration, ito ay para ipakita ng publiko ang hindi pagkakuntento sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado si Soliman na sa kasalukuyan ay hindi maisasakatuparan sakali mang isulong ang pagpapatalsik sa pangulo sa pamamagitan ng ‘impeachment’ dahil mga kaalyado nito ang mga Kongresista.

“Hindi po ‘yun mangyayari sa ngayon. Meron tayong eleksyon sa 2019 palitan po natin ang House of Representatives, maglagay tayo ng mga taong maaring manindigan hindi matatakot at susunod sa kagustuhan ng mamamayan may posibilidad na magtagumpay ang impeachment,” ayon kay Soliman.

Giit ni Soliman, mahalaga ang halalan sa susunod na taon at hindi na dapat pang mahalal ang mga kaalyadong mambabatas ng kasalukuyang administrasyon.

“Malaking pagkakataon para ipakita na ang mamamayan ay hindi na sumusuporta sa mga pambabastos, pang-aapi, panloloko, sa pagsisinungaling ng pangulong Duterte,” dagdag pa ng dating kalihim.

Sa taong 2019 nakatakda muling maghalal ang 56 na milyong botante ng 12 senador, at higit sa 300 bilang ng mga mambababatas sa Mababang Kapulungan.

Dagdag pa ni Soliman, ang halalan sa 2019 ay isang malaking pagkakataon para ipakita na ang mamamayan ay tutol sa mga pambabastos, kawalang katarungan, tiraniya ng kasalukuyang administrasyon.

Kumpiyansa din si Soliman na malaking bahagi na ng 16 na milyong bumoto sa Pangulo ang nagsisi sa kanilang pagsuporta lalu’t hindi napatunayan ng Pangulong Duterte ang kanyang pangakong pagbabago para sa bayan.

Noong 2015 sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas, sinabi nito sa harap ng mga kawani at opisyal ng gobyerno sa Malacanang ang kaniyang panawagan na sikaping bigyang diin ng bawat isa ang malasakit sa kapwa, paggalang sa karapatang pantao at pagkilala sa kasagraduhan ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 25,964 total views

 25,964 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 76,648 total views

 76,648 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 82,777 total views

 82,777 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 112,029 total views

 112,029 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 129,296 total views

 129,296 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top