Mga Obispo, hinimok ng SLP na manindigan at magsalita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 636 total reads

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magsalita at ihayag ng iba pang mga Obispo ng Simbahang Katolika ang kanilang posisyon at paninindigan sa mga nagaganap sa lipunan.

Ayon kay Dra. Maria Julieta Wasan, Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na dapat na magkaroon ng hayagang paninindigan ang mga Obispo at Arsobispo mula sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa bansa.

Nangangamba si Wasan na ang pananahimik ng mga opisyal ng Simbahan ay maaring mangahulugan at ituring ng mga mananampalataya na pagsasawalang bahala o pagsang-ayon sa mga nagaganap at paghihirap ng mga mamamayan.

“Sana bawat Obispo ay magsalita na kasi yung kanilang pananahimik ay nangangahulugan ng pagwawalang bahala, sana ang bawat Obispo sa kani-kanilang mga Dioceses at Archdioceses ay magkaroon ng pagtitipon na ganito, pagtutol sa mga gawain ng ating Pangulo ipakita nila ng hayagan kasi nga katulad ng nasabi ko na ang pananahimik ay parang pagsang-ayon sa mga nagaganap…” pahayag ni Wasan sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit rin ni Wasan na kinakailangang ipamalas ng mga Laiko ang tapang at lakas ng loob sa paninindigan na makibahagi sa mga adbokasiya at misyon ng Simbahang Katolika lalo na sa gitna ng kinakaharap na pagsubok ng institusyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Hinimok ni Wasan na kailangang aktibong kumilos ang mga Laiko katuwang ang Simbahan upang mabuksan ang kamalayan ng mga mamamayan sa patuloy na kaguluhan, karahasan at kasinungalingan sa lipunan.

“Ipakita natin yung pagtutol natin, lakasan natin yung loob natin lalo na ang mga laiko, kailangan maging matapang tayo kasi kung hindi natin ipapaalam at ipapakita yung nararamdaman natin sa ating mga kasama, sa Simbahan baka hindi sila kumilos kasi wala lang, hindi ito wala lang darating ang araw baka tayo yung maging biktima. Kaya preventive tayo kesa yung reactive lang, this is not a reaction, this is a preventive effort para sa lahat ng mga naging biktima, para mamulat ang mga mata ng bawat Filipino…” dagdag pahayag ni Wasan.

Ang pahayag ni Wasan ay kasunod ng mga naging kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga Pari, Obispo at sa mismong Simbahang Katolika.

Sa kabuuan ang Pilipinas ay may higit sa 140 mga obispo kabilang na ang mga retirado.

Kabilang ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa mga nagsilbing Convenors ng naganap na The Real Score: A National Conference on Upholding Life, Dignity and Justice in the Midst of Duterte’s ‘War on Drugs’ sa Colegio de San Juan de Letran.

Layunin ng pagtitipon na mapagsama-sama ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang matalakay ang mga epektibong paraan na maaring gawin upang harapin at labanan ang lumalalang banta ng Tyranny o paniniil sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 42,283 total reads

 42,283 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 147,820 total reads

 147,820 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 184,607 total reads

 184,607 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 215,183 total reads

 215,183 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 261,919 total reads

 261,919 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top