Polong Duterte, guilty sa kasong libel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 852 total reads

Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga opisyal ng gobyerno na mag-ingat sa paggamit ng social media.

Inihayag ni Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na mabilis ang pagkalat ng mga balita, mali man o hindi.

“So hindi ka lang nakagagawa ng damage sa iba, mas nakakagawa ng damage sa ‘yo. kaya dapat mag-ingat sa pagsasalita dahil sa pamamaraan ngayon, dahil maaring ma-multipy. Ma-multiply ang wisdom mo at ma-multiply ang katangahan mo,” ayon pa kay Bishop Pabillo sa panayam ng programang Pastoral Visit sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay na rin sa social media post ni dating Davao Vice Mayor Paulo Duterte ng listahan ng sinasabing ‘destabilizer’ ng administrasyon kung saan kabilang ang mga Obispo sa talaan.

“So, kahiya-hiya sila. At nakarecord di mo na mabubura ‘yan. Yung mga ganyang mga paratang di mo na mabubura ‘yan nasa kasaysayan na ‘yan,” ayon pa sa obispo.

Ilan pang Obispo ng simbahan na kasama sa listahan sina CBCP Vice President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, San Pablo Bishop-Emeritus Leo Drona, at ang namayapa ng si Infanta Bishop-Emeritus Julio Labayen.

Kabilang din sa nakatala ang isang Bishop Arturo Santos na hindi kabilang sa talaan ng mga obispo ng CBCP.

Ayon kay Bishop Pabillo ang ganitong mga pahayag ay iresponsable lalu’t kabilang sa nakalista ang isang matagal ng patay at ang retiradong obispo na matagal na ring may karamdaman.

Ang CBCP ay may kabuuang bilang na higit sa 140 mga obispo kabilang na rito ang mga retirado.

“Makikita natin na iresponsable ang ganyang pananalita. Mahilig sila magsampa ng libel at ngayon si Trillanes sinampahan ng libel sa Davao. Hindi ba ang ginagawa nila ay libelous ‘yan, magbibigay ng paratang na hindi totoo,” dagdap pa ni Bishop Pabillo.

Sa inilabas na mensahe ni Pope Francis sa 2018 World Communications day, binigyan diin dito ang kahalagahan ng katotohanan na siyang saligan ng pagmamahal at kalayaan.

Una na ring nagbabala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga social media users na maging mapagbantay at mapanuri sa paggamit ng teknolohiya.

Ayon kay Cardinal Tagle hindi lahat ng impormasyon na mula sa internet o social media ay katotohanan at kapaki-pakinabang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 83,707 total reads

 83,707 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 124,267 total reads

 124,267 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 147,070 total reads

 147,070 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 195,338 total reads

 195,338 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 214,156 total reads

 214,156 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 28,027 total reads

 28,027 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top