Mga Obispo, hinimok ng SLP na manindigan at magsalita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total reads

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magsalita at ihayag ng iba pang mga Obispo ng Simbahang Katolika ang kanilang posisyon at paninindigan sa mga nagaganap sa lipunan.

Ayon kay Dra. Maria Julieta Wasan, Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na dapat na magkaroon ng hayagang paninindigan ang mga Obispo at Arsobispo mula sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa bansa.

Nangangamba si Wasan na ang pananahimik ng mga opisyal ng Simbahan ay maaring mangahulugan at ituring ng mga mananampalataya na pagsasawalang bahala o pagsang-ayon sa mga nagaganap at paghihirap ng mga mamamayan.

“Sana bawat Obispo ay magsalita na kasi yung kanilang pananahimik ay nangangahulugan ng pagwawalang bahala, sana ang bawat Obispo sa kani-kanilang mga Dioceses at Archdioceses ay magkaroon ng pagtitipon na ganito, pagtutol sa mga gawain ng ating Pangulo ipakita nila ng hayagan kasi nga katulad ng nasabi ko na ang pananahimik ay parang pagsang-ayon sa mga nagaganap…” pahayag ni Wasan sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit rin ni Wasan na kinakailangang ipamalas ng mga Laiko ang tapang at lakas ng loob sa paninindigan na makibahagi sa mga adbokasiya at misyon ng Simbahang Katolika lalo na sa gitna ng kinakaharap na pagsubok ng institusyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Hinimok ni Wasan na kailangang aktibong kumilos ang mga Laiko katuwang ang Simbahan upang mabuksan ang kamalayan ng mga mamamayan sa patuloy na kaguluhan, karahasan at kasinungalingan sa lipunan.

“Ipakita natin yung pagtutol natin, lakasan natin yung loob natin lalo na ang mga laiko, kailangan maging matapang tayo kasi kung hindi natin ipapaalam at ipapakita yung nararamdaman natin sa ating mga kasama, sa Simbahan baka hindi sila kumilos kasi wala lang, hindi ito wala lang darating ang araw baka tayo yung maging biktima. Kaya preventive tayo kesa yung reactive lang, this is not a reaction, this is a preventive effort para sa lahat ng mga naging biktima, para mamulat ang mga mata ng bawat Filipino…” dagdag pahayag ni Wasan.

Ang pahayag ni Wasan ay kasunod ng mga naging kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga Pari, Obispo at sa mismong Simbahang Katolika.

Sa kabuuan ang Pilipinas ay may higit sa 140 mga obispo kabilang na ang mga retirado.

Kabilang ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa mga nagsilbing Convenors ng naganap na The Real Score: A National Conference on Upholding Life, Dignity and Justice in the Midst of Duterte’s ‘War on Drugs’ sa Colegio de San Juan de Letran.

Layunin ng pagtitipon na mapagsama-sama ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang matalakay ang mga epektibong paraan na maaring gawin upang harapin at labanan ang lumalalang banta ng Tyranny o paniniil sa bansa.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 12,186 total reads

 12,186 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 29,525 total reads

 29,525 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 132,274 total reads

 132,274 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 172,832 total reads

 172,832 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 193,286 total reads

 193,286 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 240,983 total reads

 240,983 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 12,188 total reads

 12,188 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top