Bagong Obispo ng Diocese of Daet, itinalaga ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 421 total views

Sa pagbubukas ng taon, nagtalaga ng bagong Obispo sa Diyosesis ng Daet ang kaniyang Kabanalan Francisco si Bishop-elect Rex Andrew Alarcon.

Si Bishop-elect Alarcon ay itinalaga ni Pope Francis bilang ika-apat na obispo ng Diyosesis ng Daet na siyang humalili sa iniwang posisyon ng noo’y si Bishop Guilbert Garcera na una ng itinalaga bilang Arsobispo ng Lipa, Batangas noong 2017.

Ang 48 taong gulang na si Bishop-elect Alarcon ay isinilang noong August 6, 1970 sa Daet, Camarines Sur at nagtapos ng Philosophy sa Holy Rosary Major Seminary sa Naga City at Theology sa University of Santo Thomas.

Siya ay inordinahan bilang pari sa Archdiocese of Caceres noong November 9, 1996 at nagsilbing vicar sa Saint John the Evangelist Parish sa Naga at nagturo sa minor seminary.

Taong 2001 nang makumpleto ang licentiate sa Church history sa Pontificate Gregorian University sa Roma, Italya.

Sa pagbabalik sa bansa, siya ay naging lecturer sa Holy Rosary seminary, naging Superintendent ng Naga Parish School, pangulo ng Catholic Association of Education at tagapagsalita ng Archdiocese ng Caceres.

Ang Diyosesis ng Daet ay may higit sa 500,000 mga katoliko na may 30 mga parokya at pinangangasiwaan ng may 66 na mga pari.

Sa pagkakatalaga kay Bishop-elect Alarcon, siyam pang mga diyosesis sa bansa ang wala pang nangangasiwang obispo kabilang na ang Butuan, Iligan, Isabela Basilan, Malolos, San Jose de Antique, San Jose Mindoro, Taytay at Military Ordinariate.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 109,221 total views

 109,221 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 109,221 total views

 109,221 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 109,221 total views

 109,221 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 105,955 total views

 105,955 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 96,676 total views

 96,676 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top