Kabataan: Pagasa ng kasalukuyan, hinaharap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total reads

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani sa mga kabataang nagsidalo sa taunang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno.

“Sa kasalukuyang panahon, ngayon na ay nakasalalay ang kinabukasan ng bansa…at ang present na ng ating bansa. At kung ano ang kalalabasan nito e nasa kanila ng mga kamay. Kaya’t mahalaga kung anong klaseng tao sila,” ayon sa obispo.

Ayon sa obispo, nawa ay maipagpatuloy din ng kabataan ang debosyon at pananampalataya sa Diyos na magpapasalin-salin hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

“Humanap ng idolo na talagang mapapamarisan. Hindi naman sa kwan e, me isang idolo na hindi mapagmahal sa buhay kapwa tao, mapagmura pa nga at mapanglait sa kapwa tao. ‘Wag naman nilang bigyang applause ang mga taong ganun,” giit ng Obispo.

Paalala din ng obispo na ang Poong Hesus Nazareno ay siyang higit na dapat kilalanin ng kabataan bilang idolo na dapat tularan at hindi yaong mga huwad na diyos-diyosan.

“Harinawa ay magpakatao. At hanapin ang magiging modelo nila sa pagpapakatao. At i-reject na mailagay sa posisyon ng pamamahala sa ating bansa ‘yung mga tao na hindi katulad ng ating Panginoong Hesukristo na nagmalasakit unang-una para sa Diyos, ang Diyos ay kaniyang parangalan. At ikalawa, nagmalakasakit sa kapwa tao,” paliwanag ni Bishop Bacani.

Natataon din ang pagdiriwang ng Traslacion sa pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng ‘Year of the Youth’ bilang pagbibigay diin sa kahalagahan at kakayahan ng kabataan kasabay na rin ng paghahanda ng bansa sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Mula sa mahigit 80 porsiyentong Katoliko sa kabuuang populasyon ng Pilipinas may 20 porsiyento ay mga kabataang nasa edad 15 hanggang 24.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,843 total reads

 5,843 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,120 total reads

 41,120 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,604 total reads

 77,604 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,815 total reads

 95,815 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,834 total reads

 179,834 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top