Pasasalamat ng mga deboto sa biyaya ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,204 total reads

Pakikiisa sa sakripisyo ng Panginoon at pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob.

Ito ang pahayag ng ilang deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na nakiisa sa Traslacion ngayong taon.

Ayon sa mga deboto ang paghihirap sa isang buong maghapon na paghihintay sa andas ng Hesus Nazareno ay hindi makatutumbas sa paghihirap at sakripisyo ni Hesus habang naglalakbay patungong kalbaryo pasan ang mabigat na krus.

Soledad Lafuerte, 70 years old
“Ang taun-taon kong pagsama sa Traslacion ay pagpapasalamat sa Panginoon dahil sa patuloy na mga biyaya at kagalingan na ibinigay niya sakin at sa mga mahal ko sa buhay.”

Reynante Amores, 41 years old

“Hinihiling ko sa Panginoon ang kalakasan at mabuting kalusugan ng aking buong pamilya at sa aking maayos na paghahanapbuhay.”

Nelson Salbinez, 57 years old

“Nakatulong ang Traslacion sa paggabay sa aking buhay at nagpapalalim sa pananampalataya naming mag-anak. Nakikita namin sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang kabutihan ng Diyos para sa atin na kaniyang mga anak.”

Binigyang diin pa ng mga deboto na sa pamamagitan ng Traslacion ay mas napalalim pa ang kanilang pananampalataya sa Diyos at nailalapit ang kanilang mga kahilingan sa Panginoon.

Ang paghawak at paglapit sa andas ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ay sumisimbolo sa masidhing pananampalataya ng mga deboto na makatutulong sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos Amang lumikha sa sanlibutan.

Umaasa ang mga nakatatandang deboto ng Hesus Nazareno na maipagpatuloy ng susunod na henerasyon ang pagdedebosyon at higit na makita ang kagandahang maidudulot nito sa buhay pananampalataya ng tao hindi lamang isang tradisyon na nakaugalian ng mga Filipino kundi ang pakikipagkaisa sa mga sakripisyo ni Hesus at pakikibahagi sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

SA inisyal na pagtaya ng National Capital Region Police Office (NCRPO) may mahigit sa 4 na milyong deboto ang nakilahok sa pagdiriwang ng mga banal na gawain ng Poong Hesus Nazareno simula noong ika – 31 ng Disyembre hanggang sa magtapos ang Traslacion.

Read: His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Homily Feast of Nuestro Padre Hesus Nazareno at Quirino Grandstand

Sa homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa misang isinagawa sa Quirino Grandstand ipinaliwanag nitong ang pagdedebosyon ay may kaakibat na pagmamahal dahil ito ay biyaya at isang paghirang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,849 total reads

 44,849 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,731 total reads

 124,731 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,178 total reads

 158,178 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,476 total reads

 193,476 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,285 total reads

 418,285 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top