Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagiging deboto: Ang misyon ng paglilingkod

SHARE THE TRUTH

 324 total views

Mga Kapanalig, ngayong araw ay ang Traslación o ang paggunita sa paglipat sa Mahal na Poong Nazareno mula Intramuros patungong Quiapo na naganap daantaon na ang nakalipas. (Muli, hindi po ngayon ang kapistahan ng Itim na Nazareno; ito ay tuwing Biyernes Santo. At hindi rin ngayon ang pista ng parokya na ipinagdiriwang naman tuwing Hunyo.)

Ngunit higit pa nga sa fiesta ang nagaganap sa Quiapo tuwing ika-9 ng Enero. Taun-taon, milyun-milyong deboto ang nakikilahok sa Traslación bilang pagpapakita ng kanilang pananalig. Tinitiis nila ang mahabang pila sa Quirino Grandstand at ang siksikan ng mga tao sa mahaba at matagal na prusisyon pabalik ng Simbahan ng Quiapo. Ganoon na lamang kasidhi ang kagustuhan nilang mahawakan ang poon o kahit man lang ang andas na nagdadala sa karosa ng poon—buwis-buhay, ‘ika nga, para sa himalang hinihingi o upang magpasalamat sa mga biyayang kanilang natanggap.

Ngayong taon, hango ang tema ng Traslación sa Isaias 49:5: “Deboto ng Poong Hesus Nazareno: Hinirang at Pinili Upang Maging Lingkod”. Sa pamamagitan ng mga homiliya sa Misa, pagninilay, at katekismo, nais ng mga pari sa Simbahan ng Quiapo na maipaunawa sa mga deboto na kaakibat ng kanilang pamimintuho sa poon ang paglilingkod sa bayan ng Diyos.

Katulad ng mga naglilingkod sa Simbahan bilang mga relihiyoso, gaya ng mga pari at madre, ang mga deboto ay tumutugon sa tawag ng Diyos, sa tawag na yakapin ang misyon ng paglilingkod at ang kaakibat nitong pagpapakasakit at pagsasakripisyo. At makikita natin ito sa imahen ng Mahal na Poong Nazareno—walang sapin sa kanyang mga paa, pasan ang mabigat na krus, nakaluhod ngunit nakatingala pa rin. Hindi literal na pagpapakasakit ang kailangang gawin ng mga deboto—bagamat ito ang pagkakaunawa ng marami.

Paano maipakikita ng mga deboto ang kanilang misyong maglingkod?

Nagsisimula ito sa pagpapalalim ng personal na ugnayan sa Diyos. Ayon nga kay Msgr. Hernando Coronel, rektor ng Simbahan ng Quiapo, totoong-totoo ang debosyon sa Mahal na Poong Nazareno dahil ito ay malapít, personál, direkta, at kagyat—close, personal, direct, and immediate. Makikita ito sa marubdob na pagdarasal sa Diyos at sa pagpiling isama siya sa ating buhay, hindi lamang tuwing Traslación kundi araw-araw. Kung kasama natin ang Diyos araw-araw, pipiliin nating gawin ang tama at mabuti.

Ngunit ang ating pagdarasal ay hindi lamang dapat para sa ating mga sarili at pamilya. Dagdag ni Msgr. Coronel, bahagi ng Kristiyanong pananampalataya ang ipagdasal ang mga pinuno ng ating bansa, mga pinuno natin sa lipunan, at ang lahat ng naglilingkod sa pamahalaan. Gaya nga ng sinabi ni Pope Francis sa kaniyang mensahe sa pagsisimula ng 2019, kung ang ating mga pinuno ay hindi naglilingkod ng wasto, maaari nilang gamitin ang kanilang kapangyarihan upang maniil, magpahirap, o manira. Kaya’t bilang mga deboto, ipagdasal nating nawa’y ang ating mga lider ay manatiling may pagpapahalaga sa buhay, kalayaan, at dignidad ng bawat Pilipino, lalo na ng mga mahihirap.

Kailangan din nating samahan ng gawa ang dasal kung tunay tayong mga deboto. Umuusbong ang paglilingkod bilang mga deboto kung pagtutuunan din natin ng pansin ang kalagayan ng ating kapwa-tao at ng ating kapaligiran. Maaari itong magsimula sa hindi natin pananakit sa mga kalahok habang nasa Traslación at sa hindi natin pagtatapon ng basura sa mga daraanan ng prusisyon bilang pagtalima sa ipinapanawagan ng mga nag-organisa ng Traslación. Maliit na hakbang ito ng paglilingkod na maaari nating gawin araw-araw.

Mga Kapanalig, tiyak na napakalaking pagbabago ang mangyayari sa ating bayan kung mauunawaan ng milyun-milyong deboto ng Mahal na Poong Nazareno na hinirang at pinili sila upang maging lingkod. Kasihan nawa sila ng Banal na Espiritu upang makita at maisabuhay nila ang misyong ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,483 total views

 3,483 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 10,964 total views

 10,964 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 24,104 total views

 24,104 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 30,077 total views

 30,077 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 35,832 total views

 35,832 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,484 total views

 3,484 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 10,965 total views

 10,965 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 24,105 total views

 24,105 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 30,078 total views

 30,078 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 35,833 total views

 35,833 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,314 total views

 40,314 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,398 total views

 41,398 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,779 total views

 36,779 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,783 total views

 48,783 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,825 total views

 56,825 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,382 total views

 48,382 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,807 total views

 46,807 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,593 total views

 48,593 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,518 total views

 45,518 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,832 total views

 59,832 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top