Tunay na deboto, may paglingap sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 851 total reads

Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal ng Diyos sa bawat isa.

Ito ang inihayag ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. na mensahe ng Poong Hesus Nazareno sa mga debotong namamanata.

Paliwanag ng Obispo, malaki ang pagkukulang ng bawat isa sa pagkalinga sa kapwa lalu na ang pagwawalang bahala sa mga dukha, mahihina at mga walang kakayahan.

“Palagay ko malaki ang pagkukulang sa pagmamahal. Magaling tayong magdebosyon, pero pagkapaglingap sa kapwa tao kinakapos tayo. Pinagwawalang bahala natin ang paglingap sa tao,” ayon kay Bishop Teodoro.

Sinabi ni Bishop Bacani na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa maging sa mga hindi kaibig-ibig.

“Dapat namang matutunan natin na punasan ang luha ng ating kapwa tao at ibsan ang kanilang paghihirap at ipagtanggol sila kung sila ay sinasaktan,” ayon pa sa Obispo.

Naunang ipinaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang tunay na deboto ay nagmamahal, tapat at nakikipag-isa sa minamahal.

Read: Deboto ng Poong Hesus Nazareno, tunay at hindi huwad
Sa isang mensahe ng kanyang kabanalan Francisco sa ginanap na ‘World Day of the Poor’ na ang kahirapan ay hindi maipapahayag sa salita kundi isang daing na tumatawid sa langit at naririnig ng Panginoon.

Sa pag-aaral ng Social Weather Station survey may 12.2 milyong mga Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap.

DEBOSYON AT PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN
Iginiit ng Obispo na hindi rin dapat isantabi sa ating pagdedebosyon ang pangangalaga sa kapaligiran.

“Ingatan din sana natin ‘yan. Madalas yan ang nalilimutan ‘yan ang nalilimutan natin sa pagdedebosyon natin, tapon lang tayo ng tapon ng basura. Ang mga halaman, tinatapakpakan… Dahil cleanliness is Godliness,” paliwanag pa ng Obispo.

Pinayuhan ng Obispo ang mga deboto na laging isaalang-alang ang kapaligiran bilang biyaya at kabilang sa mga nilikha ng Diyos.

Noong 2018 Traslacion, 385 tonelada ng basura ang nakolekta na 11 porsiyento na mas marami kung ikukumpara sa pagdiriwang noong 2017 na may 341 na toneladang basura.

Tagubilin din ng Obispo sa bawat mananampalataya na sa anumang gawain ay dapat unahin ang Ama, higit sa lahat sa halip na kayamanan, kapangyarihan at popularidad.“

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 43,647 total reads

 43,647 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 123,574 total reads

 123,574 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 157,021 total reads

 157,021 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 192,320 total reads

 192,320 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 417,194 total reads

 417,194 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,718 total reads

 15,718 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top