VeritasPH

The Word, The Truth

Deboto ng Poong Hesus Nazareno, tunay at hindi huwad

SHARE THE TRUTH

 343 total views

Wagas na pag-ibig, katapatan at pakipag-isa ang mga katangian ng pagiging deboto ng Poong Hesus Nazareno.

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng kapistahan ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na may temang ‘Hinirang at Pinili upang maging lingkod Niya’.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ito ay hindi lamang paggaya kundi pakikipag-isa sa kaluwalhatian, tuwa maging sa pagdurusa at pangamba.

Iginiit ng Kardinal na ang pagiging deboto ay hindi nangangahulugan ng perpektong pakikipag-ugnayan sa Panginoon kundi pinagyayabong sa pamamamagitan ng paglilingkod at pagpapasa ng pananampalataya sa kapwa.

ARAW-ARAW NA DEBOSYON KAY HESUS
Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang debosyon kay Poong Hesus Nazareno ay araw-araw hindi lamang tuwing ika-9 ng Enero o sa Traslacion.

“Nakakatawag-pansin ang ika-9 ng Enero dahil parang naipapakita ng bawat deboto ang sidhi ng kanyang pamimintuho kay Poong Hesus Nazareno. Pero hindi nababanggit kalimitan na ang debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay hindi lamang tuwing January 09; ang debosyon sa kanya ay hindi lamang sa Traslacion. Araw-araw, ang daming sumisimba sa lahat ng misa sa Quiapo Church, t’wing Biyernes lalo na pag First Friday, tuloy ang debosyon. At hindi lamang sa Quiapo lahat ng parokya na halos at sa ibang bahagi ng mundo,” pahayag ni Cardinal Tagle

SI HESUS ANG UNANG DEBOTO
Inihayag ng Kardinal na kailangang ipagdiwang ang debosyon dahil ito’y biyaya at paghirang.

Inihalimbawa ni Cardinal Tagle si Hesus na bumaba sa langit at hinubad ang karangalan bilang anak ng Diyos upang makiisa sa tao.

“Kasi po ang unang naging deboto sa atin, devoted to us, ay si Hesus mismo. Siya ang deboto ng kanyang Ama sa langit at pinakita rin Niya na Siya ay devoted sa atin. Sa Ebanghelyo ayon kay San Juan, Siya ay ang anak ng Diyos na bumaba mula sa Langit at hinubad ang kanyang karangalan sa langit bilang anak ng Diyos para makiisa sa atin. Iyong ibang tao kapag nasa langit na hindi mo na yan mapapababa! Pero si Hesus nasa langit bababa para samahan tayo. That’s devotion”. bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle

DEBOSYON AT PANATISISMO
Binigyan diin ng Kardinal na ang tunay na deboto ay nagmamahal, tapat at nakikipag-isa sa minamahal hindi tulad ng panatiko na kumakapit lamang sa nagbibigay ng halaga sa kanya.

“Katangian ng deboto na nakikita kay Hesus.Una, pagmamahal na wagas. Ikalawa, katapatan o loyalty na naglilingkod. At ikatlo, pakikipag-isa sa aking minamahal. Ang panatiko hindi nagmamahal, ang panatiko kumapakapit lang sa isang nagbibigay ng halaga sa akin, pero ang deboto hindi iyon ang dahilan. Devoted ka dahil mahal ko Siya. Iyan ang pinakita ni Hesus, iyan din ang diwa ng debosyon, nag-uumapaw na pag-big.” paglilinaw ni Cardinal Tagle.

TUNAY NA DEBOTO NG POONG HESUS NAZARENO
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang tunay na deboto ay pinapayabong at pinapayaman ang debosyon araw-araw.

“Hindi natin sinasabi na ang pagiging deboto ay pagiging perpekto na sa ugnayan kay Hesus, hindi po. Katulad nang kahit na anong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pakikipag-kaisa ito ay araw-araw pinagyayaman, huwag pababayaan. Ito ay pinalalakas, ito ay pinapasa, itinuturo sa iba. At kung ang debosyon ay kay Hesus, Wow, wow. Mas mabuti na si Hesus ang mahalin, ang maging tapat, ang paglingkuran at maging kaisa natin. Si Poong Hesus Nazareno ang mahalin hindi ang mga huwad na Diyos na kalimitan ay minamahal, pinaglilingkuran at pinagkaka-isahan ng puso.

Nagsimula ang Traslacion ng imahen ng Poong Hesus Nazareno alas-5 ng umaga mula sa Quirino grandstand pabalik sa kaniyang dambana sa Minor Basilica of the Black Nazarene.

Bukod sa Maynila, ilang ding lugar sa Pilipinas ang nagsagawa ng Traslacion kabilang na dito sa Cagayan De Oro, Tagum, Batanes, Legazpi at Nueva Vizcaya maging ang mga Filipino Community sa United Arab Emirates.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 3,020 total views

 3,020 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,777 total views

 8,777 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 16,040 total views

 16,040 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 24,025 total views

 24,025 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,561 total views

 31,561 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 16,791 total views

 16,791 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 22,478 total views

 22,478 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 33,572 total views

 33,572 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 46,394 total views

 46,394 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 43,741 total views

 43,741 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 46,777 total views

 46,777 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 46,160 total views

 46,160 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 56,387 total views

 56,387 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 56,075 total views

 56,075 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 57,607 total views

 57,607 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 40,395 total views

 40,395 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 49,911 total views

 49,911 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 46,863 total views

 46,863 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pastoral blessing sa hindi pagkaraniwang sitwasyon, suportado ng CBCP at Cardinal Advincula

 50,375 total views

 50,375 total views Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang abiso na sumusuporta sa dokumento ng Vatican na nagpapahintulot sa pastoral blessing sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon tulad ng mga same sex couple. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na malinaw ang mensahe ng dokumento kaugnay sa pananatili

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Stewardship, paiigtingin ng Vicariate of Taytay at Puerto Princesa

 54,412 total views

 54,412 total views Matapos ang paggunita at pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan, pinaigting naman ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa ang pagiging mabuting katiwala sa mga biyayang handog ng Panginoon. Simula Agosto ng 2022 hanggang 2023 ng ipagdiwang ng Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top