Kabataan: Pagasa ng kasalukuyan, hinaharap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 473 total reads

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani sa mga kabataang nagsidalo sa taunang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno.

“Sa kasalukuyang panahon, ngayon na ay nakasalalay ang kinabukasan ng bansa…at ang present na ng ating bansa. At kung ano ang kalalabasan nito e nasa kanila ng mga kamay. Kaya’t mahalaga kung anong klaseng tao sila,” ayon sa obispo.

Ayon sa obispo, nawa ay maipagpatuloy din ng kabataan ang debosyon at pananampalataya sa Diyos na magpapasalin-salin hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

“Humanap ng idolo na talagang mapapamarisan. Hindi naman sa kwan e, me isang idolo na hindi mapagmahal sa buhay kapwa tao, mapagmura pa nga at mapanglait sa kapwa tao. ‘Wag naman nilang bigyang applause ang mga taong ganun,” giit ng Obispo.

Paalala din ng obispo na ang Poong Hesus Nazareno ay siyang higit na dapat kilalanin ng kabataan bilang idolo na dapat tularan at hindi yaong mga huwad na diyos-diyosan.

“Harinawa ay magpakatao. At hanapin ang magiging modelo nila sa pagpapakatao. At i-reject na mailagay sa posisyon ng pamamahala sa ating bansa ‘yung mga tao na hindi katulad ng ating Panginoong Hesukristo na nagmalasakit unang-una para sa Diyos, ang Diyos ay kaniyang parangalan. At ikalawa, nagmalakasakit sa kapwa tao,” paliwanag ni Bishop Bacani.

Natataon din ang pagdiriwang ng Traslacion sa pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng ‘Year of the Youth’ bilang pagbibigay diin sa kahalagahan at kakayahan ng kabataan kasabay na rin ng paghahanda ng bansa sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Mula sa mahigit 80 porsiyentong Katoliko sa kabuuang populasyon ng Pilipinas may 20 porsiyento ay mga kabataang nasa edad 15 hanggang 24.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 45,995 total reads

 45,995 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,825 total reads

 125,825 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,272 total reads

 159,272 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,570 total reads

 194,570 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,343 total reads

 419,343 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,876 total reads

 15,876 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top