Obispo, may friendly challenge kay pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 391 total views

Karaniwan na sa mga Obispo ng Simbahang Katolika ang naglalakad ng walang armas at walang body guards sa mga ordinaryong lansangan na hindi kayang gawin ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr., kaugnay na rin sa panawagan ng Pangulo sa mga ‘tambay’ na holdapin at patayin ang mga obispo na kanilang makikita sa kalye.

Ayon kay Bacani, kung talagang matapang Pangulo ay maari niyang subukan ang ginagawa ng mga Obispo na maglakad sa lansangan ng walang pag-aalinlangan.

“Meron lang akong friendly challenge kay Presidente Duterte, simple lang na ganito. Alam niyo kaming mga Obispo naglalakad kami, wala kaming body guard, wala kaming bullet-proof vests, wala kaming mga security aids na nakapaligid na marami, wala kaming dalang baril, gano’n kami; ang challenge ko kay President Duterte kung talagang matapang siya, simple lang, gawin niya yung ginagawa namin,” ayon kay Bishop Bacani.

Inihayag ng Obispo na dito malalaman kung ano ang magiging reaksyon ng publiko sa Pangulo habang ang mga Obispo ay isang karaniwan ng gawain ang pakikihalubilo sa iba’t ibang uri ng tao sa bawat araw.
Nilinaw ni Bishop Bacani na hindi na bago ang mga ganitong pahayag ng Pangulo na isa namang biro laban sa Simbahan, mga Obispo, mga Pari at pananampalatayang Katoliko.

Unang umalma si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga pahayag ng punong ehekutibo.

Read: Pangulong Duterte, kabiguan at kahihiyan sa bansa

Una na ring inihayag ng Santo Papa Francisco sa kaniyang mensahe sa ‘52nd World Day of Peace 2019’ ang ‘Good Politics is at the Service of Peace’.

Binigyan diin nito ang malaking ang tungkulin na ginagampanan ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagkamit ng pangkalahatang kapayapaan sa buong daigdig.

Paliwanag ng Santo Papa, ang pulitika ay isang mahalagang paraan ng pagtatayo ng mga komunidad at institusyon ng tao, ngunit kapag ang buhay pampulitika ay hindi nakikita bilang isang uri ng serbisyo sa lipunan sa kabuuan, maaari itong maging isang paraan ng pang-aapi, marginalisasyon at kahit ng pagkakawatak-watak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 133,592 total views

 133,592 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 258,003 total views

 258,003 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 297,087 total views

 297,087 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 369,222 total views

 369,222 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top