Pag-ibig at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total views

Ito ang mensaheng binigyang diin ni Father Dan Vicente Cancino, Jr. M.I. – Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care sa patuloy na pagbisita sa Pilipinas ng hindi naaagnas na puso ni San Camillo de Lellis.

Inihayag ng Pari na dala din ng malinis na puso ng Santo ang mensahe na hindi nalilimutan ng Panginoon ang bawat tao sa kabila ng lumalaganap sa lipunan na pagkakahiwa-hiwalay, siraan, paglapastangan sa buhay, kalayaan, at karapatan sa pagpapahayag ng mga Filipino.

“Yung puso ni San Camillo de Lellis dala nito ang mensahe galing sa ating Panginoong Diyos, mensahe ng pag-ibig, mensahe ng kapayapaan, at mensahe na hindi tayo nakalilimutan ng ating Panginoong Diyos bagamat marami tayong nararanasan dito sa atin na pagkakahiwa-hiwalay, pagsisiraan, pagpatay sa buhay, pagpatay sa kalayaan, hindi lang kalayaan ng mga Filipino pero kalayaan din sa Media, kalayaan ng pagpapahayag.” Pahayag ni Father Cancino sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinimok ng Pari ang mga mananampalataya na bumalik sa tunay na nilalaman ng puso ng bawat tao, ang pag-ibig.

Sinabi ni Father Cancino na sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagsisiraan, pagkakawatak-watak, at pagsira sa sagradong buhay ng tao.

Binigyang diin ni Father Cancino na kinakailangang manindigan ng bawat mananampalataya at mabuting simulan ito sa pagkalinga sa mga may sakit tulad ng ginawa ni San Camillo de Lellis.

“Ngayon manindigan tayo sa ating pananampalataya na nagmumula mismo sa pag-ibig ng Diyos sa atin, yun ang mensahe ng pagbisita ni San Camillo de Lellis at ito’y nag-uumpisa sa larangan ng kalusugan. Yung mga maysakit na nalagay na sa gilid na nakalimutan na, ilagay natin sila sa puso ng ating lipunan, dun natin umpisahan sa pamilya. Ilagay natin yung mga may sakit akayin natin sila sa pinaka puso ng ating lipunan, ipakita natin na mahalaga pa rin sila sa atin.” Dagdag pa ng Pari.

Naniniwala si Father Cancino na tanging sa pamamagitan lamang ng pagbubuklod ng puso ng bawat tao ay tunay na matutugunan ang mga nangangailangan at mapapawi ang lumalaganap na kadiliman sa lipunan.

Matatandaang ikalawa ng Pebrero 2019, nang dumating sa Pilipinas ang Incorrupt Heart Relic ni St. Camillus, at sa kasalukuyan ay libu-libo na ang mga mananampalatayang nagpupunta sa iba’t- ibang lugar na pinagdarausan ng veneration nito.

Inaasahan naman na patuloy pang dadayuhin ng mga mananampalataya ang iba’t-ibang mga simbahan, at ospital sa ilalim ng 19 na mga Diyosesis at Arkidiyosesis, mula Luzon, Visayas at Mindanao na pupuntahan ng hindi naaagnas na puso ni St. Camillus de Lellis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 15,302 total views

 15,302 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 89,916 total views

 89,916 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 169,995 total views

 169,995 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 213,134 total views

 213,134 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 213,289 total views

 213,289 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,523 total views

 347,523 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top