Bantayan ang ‘Campaign promises’ ng mga opisyal-SLB

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total views

Nanawagan ng patuloy at mas aktibong partisipasyon sa mga mamamayan ang Task Force Eleksyon at Simbahang Lingkod ng Bayan para sa pagbabantay sa mga pangako ng mga nahalal na lingkod-bayan.

Ayon kay Rev. Fr. Patrick Falguerra, SJ –bagong Executive Director of Simbahang Lingkod ng Bayan, mas kinakailangan ang mas aktibong partisipasyon o ‘engage citizenship’ sa pamamagitan ng ‘constructive engagement’ upang bantayan ang pamamalakad at mga pangako ng mga opisyal ng bayan ngayong sila ay naihalal.

Kabilang sa mga naipangako noong nangangampanya pa ang mga opisyal ay pawang kapakanan ng taong-bayan at maging ng kalikasan na sinasabing gagawing prayoridad sa kanilang pag-upo.

“Tingnan lalo na yung mga nahalal natin na mga opisyales na bantayan yung mga pingako nila yung kanilang mga Campaign promises at ito nga yung parang magandang simula nga ito yung gaya ng nabangit ko kanina, ito yung tinatawag nilang ‘engage citizenship o constructive engagement’ yun yung sinasabi nila at siguro ito ay isang paglalakbay tingin ko na punong-puno ng pag-asa..” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Falguerra sa panayam ng Radio Veritas.

Sa tagubiling pastoral ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang mga lingkod-bayan ay nararapat na may tunay na kakayahan na kayang gampanan ang tungkulin sa pamumuno, may maayos ang kalusugang pampisikal, may kakayahang pangkaisipan at matatag na damdaming kinakailangan upang magampanan ang mga tungkulin nakaatang kalakip ang katapatang maglingkod sa pamayanan at tupdin ang kanilang mga naipangako sa bayan.

Batay sa tala Commission on Elections (Comelec), mayroong higit sa 18,000 ang mga bagong opisyal ng bayan, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan kabilang na ang higit sa 230- district representatives at higit sa 80 governor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 30,615 total views

 30,615 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 54,931 total views

 54,931 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 90,721 total views

 90,721 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 131,979 total views

 131,979 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 183,224 total views

 183,224 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top