159 total views
Sinuportahan ni University of Asia and the Pacific (UA&P) Professor Bernardo Villegas ang panawagan ng National Competitiveness Council (NCC) na amiyendahan ang Konstitusyon lalo na ang mga batas na humaharang sa mga dayuhan at lokal investors na mamuhunan sa bansa.
Ayon kay Villegas kailangan ipatupad ang malayang panukala na magbibigay daan sa mga batas na magpapatupad ng karapatan at kalayaan na makapamamuhunan sa bansa na naaayon sa Saligang Batas.
“Masyadong maraming restrictions hindi lang sa Constitution natin maraming mga batas na masyadong restrictive sa freedom of enterprise. Kaya kailangan examine natin lahat yung mga laws na hindi naman based on our Constitution i – repeal yung mga laws na nagbibigay ng parang disincentive not only foreign investors but also to local investors,” bahagi ng pahayag ni Villegas sa panayam ng Radyo Veritas.
Nanawagan naman si Villegas sa papasok na 17th Congress na suportahan ang liderato ni President-elect Rodrigo Duterte sa pagnanais nito na mapalawig pa ang kaunlaran sa kalakaran sa pagsasa-ayos ng Konstitusyon na hindi napatupad ni outgoing Presdident Benigno Aquino III.
“First of all to listen to the advice of President-elect Duterte that they have finally amend yung mga restrictions sa ating Constitution na gusto ng gawin ng former congress na hindi naman sang – ayon ang presidente. Right now, president Duterte is in agreement he should give that highest priority to amend the constitution na wala ng mga restrictions on equity and other restrictions on other foreign investment,” giit pa ni Villegas sa Radyo Veritas.
Batay sa NCC kinakailangan ng magkaroon ng “Project Repeal” o pagtanggal ng mga lumang batas sa Konstitusyon na nagpapabagal pa rin ng kumpiyansa ng bansa sa pandaigdigang merkado.
Matapos ang 8 linggong inisyatibong ito ay nakapangalap na sila ng 14,000 iminumungkahing alituntunin at 3,000 sa mga ito ang handa na nilang isangguni sa Kongreso sa ika – 3 ng Hulyo.
Samantala, ayon sa bagong Ease of Doing Business ranking na ginawa ng World Bank nasa 103 na ang Pilipinas mula sa ika-96 na puwesto pagdating sa mga bansang may patakaran para sa malayang paglalagak ng puhunan.