Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bantayan ang ‘Campaign promises’ ng mga opisyal-SLB

SHARE THE TRUTH

 266 total views

Nanawagan ng patuloy at mas aktibong partisipasyon sa mga mamamayan ang Task Force Eleksyon at Simbahang Lingkod ng Bayan para sa pagbabantay sa mga pangako ng mga nahalal na lingkod-bayan.

Ayon kay Rev. Fr. Patrick Falguerra, SJ –bagong Executive Director of Simbahang Lingkod ng Bayan, mas kinakailangan ang mas aktibong partisipasyon o ‘engage citizenship’ sa pamamagitan ng ‘constructive engagement’ upang bantayan ang pamamalakad at mga pangako ng mga opisyal ng bayan ngayong sila ay naihalal.

Kabilang sa mga naipangako noong nangangampanya pa ang mga opisyal ay pawang kapakanan ng taong-bayan at maging ng kalikasan na sinasabing gagawing prayoridad sa kanilang pag-upo.

“Tingnan lalo na yung mga nahalal natin na mga opisyales na bantayan yung mga pingako nila yung kanilang mga Campaign promises at ito nga yung parang magandang simula nga ito yung gaya ng nabangit ko kanina, ito yung tinatawag nilang ‘engage citizenship o constructive engagement’ yun yung sinasabi nila at siguro ito ay isang paglalakbay tingin ko na punong-puno ng pag-asa..” Ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Falguerra sa panayam ng Radio Veritas.

Sa tagubiling pastoral ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang mga lingkod-bayan ay nararapat na may tunay na kakayahan na kayang gampanan ang tungkulin sa pamumuno, may maayos ang kalusugang pampisikal, may kakayahang pangkaisipan at matatag na damdaming kinakailangan upang magampanan ang mga tungkulin nakaatang kalakip ang katapatang maglingkod sa pamayanan at tupdin ang kanilang mga naipangako sa bayan.

Batay sa tala Commission on Elections (Comelec), mayroong higit sa 18,000 ang mga bagong opisyal ng bayan, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan kabilang na ang higit sa 230- district representatives at higit sa 80 governor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 33,983 total views

 33,983 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,113 total views

 45,113 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,474 total views

 70,474 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 80,864 total views

 80,864 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,715 total views

 101,715 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,571 total views

 5,571 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,573 total views

 5,573 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top