Huwag supilin ang tinig ng kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

Hindi dapat supilin ang tinig ng kabataan na mahalagang bahagi ng lipunan.

Ayon kay Fr. Kunegundo Garganta, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth, mahalagang mapakinggan ang pananaw ng kabataan lalu na’t para sa pagbabago at pagpapabuti ng bayan ng hindi mauuwi sa karahasan.

“Mahalagang napapakinggan ang mga tinig ng kabataan. Mahalaga din po yung kanilang punto-de-vista. At siguro nga ngayong nagdiriwang tayo ng Taon ng mga Kabataan kaugnay ng ginanap na Synod on Youth ng nakaraan sa Roma,” pahayag ni Fr. Garganta sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit ng pari na sa nagdaang ‘Synod on Youth’ sa Vatican, naging panawagan ng Santo Papa Francisco sa kabataan na huwag matakot na magpahayag ng kanilang damdamin, karanasan at mga pangarap para sa hinaharap.

“Hindi natin isusubo lamang sa kanila yung mga bagay na dapat gawin kundi yung tulungan sila na ang mag bagay na gagawin ay kabahagi sila ng pinagninilayan, sa pagiisipan at bubuo ng pagpapasya ng mga bagay na may kaugnayan sa kanilang paglago bilang isang tao,” ayon sa pahayag ni Fr. Garganta sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinikayat din ni Pope Francis ang mga nakatatanda at mga pinuno ng simbahan na bigyang pagkakataong pakinggan ang kabataan lalu’t sila ang kasalukuyan at ang hinaharap hindi lamang ng simbahan kundi ng lipunan.

Hinimok naman ng Pari ang mga kabataan na makibahagi sa sibikong gawain tulad ng halalan at pumili ng pinuno ng bansa na maglilingkod sa kabutihan ng mas nakakarami.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), sa 60 milyong botante ngayong 2019- may higit sa 20 milyon ang nabibilang sa kabataan na nasa edad 18 hanggang 34.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,689 total reads

 38,689 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 89,050 total reads

 89,050 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,921 total reads

 136,921 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,869 total reads

 240,869 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,974 total reads

 324,974 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top