Pag-alis ng scholarship sa mga estudyanteng kritiko ng pangulong Duterte, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 579 total reads

Nasasaad sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1963 na Pacem in Terris on Establishing Universal Peace in Truth, Justice, Charity and Liberty na karapatan ng mga kabataan ang makapag-aral sa kabila ng anumang sitwasyon na nagaganap sa lipunan.

Bunsod nito, binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi tamang tanggalan ng scholarship ang mga mag-aaral dahil sa kanilang pagbatikos sa pamahalaan.

Ipinaliwanag ni CHR Spokesperson Atty Jacqueline Ann de Guia na bagamat ang pamahalaan ang nagkakaloob ng scholarship sa mga mag-aaral ay nagmumula naman ang pondo para sa edukasyon sa buwis ng mga mamamayan.

Iginiit rin ni Atty. De Guia na bahagi ng Konstitusyon bilang isang demokratikong bansa ng Pilipinas ang kalayaan sa pagpapahayag, pagpuna at pagiging mapanuri ng mga mamamayan sa paraan ng pamamahala at mga nagaganap sa lipunan.

Naninindigan ang CHR na hindi katanggap-tanggap na tanggalin ang scholarship ng mga estudyante dahil sa kanilang pagbatikos sa pamahalaan.

“Scholarships are granted by the government but they are ultimately funded by the tax payers. Criticisms on governance and to demand redress for such as entitlements of the people in a democracy and as guaranteed by our Constitution. These should not be used as basis to strip off deserving students access to education through scholarships.” pahayag ni de Guia.

Iginiit ni de Guia na mahalagang pakinggan ng pamahalaan ang saloobin ng taumbayan lalu na ng mga kabataan sa mga naaangkop na mga programa at polisiyang dapat tutukan at ipatupad ng pamahalaan.

“It is also equally important to recognise the people’s right to self-organisation and freedom of association for as long as they are within the bounds of law. The Commission on Human Rights reminds the government of its obligation to serve the people—not the other way around. As such, it is important to continuously seek ways on how to improve access to education envisioned to hone critical, productive citizens meant to benefit the entire nation.” Dagdag pa ni de Guia.

Matatandaang noong nakalipas ay tuluyan ng naisabataas ang Republic Act (RA) 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) na magkakaloob ng libreng edukasyon sa mga mag-aaral sa may 112 – State Universities and Colleges (SUCs) at halos 78 – Local Universities and Colleges (LUCs) sa bansa.

Samantala kasabay naman ng paggunita ng Simbahang Katolika sa Taon ng mga Kabataan bilang paghahanda sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas ay mariing tinatawagan ang mga kabataan na aktibong makibahagi sa mga usaping panlipunan partikular sa midterm election sa Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 213,624 total reads

 213,624 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 248,297 total reads

 248,297 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 264,197 total reads

 264,197 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 300,687 total reads

 300,687 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 306,607 total reads

 306,607 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 47,015 total reads

 47,015 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top