General assembly ng Prison Chaplains at volunteers, isasagawa sa Bacacay, Albay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 784 total reads

Magtipun-tipon ang mga Chaplain at mga volunteers ng prison service para sa 11th General Assembly of Jail/Prison Chaplains and Volunteers in Prison Service sa ika-25 ng Pebrero hanggang sa unang araw ng Marso.

Magaganap ang limang na araw na pagtitipon sa Bethlehem Pastoral and Human Development Center sa Bacacay, Albay na mayroong temang “Workers for Prison Ministry: Beloved, Gifted, Empowered Servant Leaders for the New Evangelization.”

Layunin ng pagtitipon na mas mapalalim ang pag-unawa at pagpapahalaga ng bawat isa sa pagsusulong ng New Evangelization at Servant Leadership kasabay ng pagsusuri sa mga pagbabago sa kasalukuyang sitwasyon ng Criminal Justice System sa bansa.

Pambihirang pagkakataon ang pagtitipon upang makapagpalitan ng karanasan ang bawat isa sa kanilang paglilingkod para sa kapakanan ng mga bilanggo at matalakay ang mga usaping dapat na tutukan ng prison ministry hanggang taong 2021.

Inaasahang aabot sa mahigit 200 chaplains at volunteers ng prison service mula sa iba’t-ibang ecclesiastical territories ang dadalo sa pagtitipon na isinasagawa kada tatlong taon.

Kabilang sa mga tatalakayin sa 5-araw na pagtitipon ay: Conference 1 on “The New Evangelization” with Bishop Joel Z. Baylon, Chairman ng CBCP-ECPPC as Speaker;

Conference 2 on the topic: “To Be Servant Leaders” to be given by Rev. Silvino L. Borres, Jr., SJ, Rector of the Loyola House of Studies and Head, Center for Ignatian Spirituality.

Conference 3 on “The Current Philippine Situation” by Atty. Florin T. Hilbay, Former Solicitor General.

Conference 4 on “In Defense of Human Life / Human Rights” with Atty. Marial Sol Taule, Legal Counsel, KARAPATAN Alliance for the Advancement of People’s Rights.

Batay sa tala ng CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, aabot lamang sa 2,500 ang bilang ng mga volunteer sa buong bansa na nagkakaloob ng iba’t ibang programa upang makatulong at bigyan ng panibagong pag-asa ang mga bilanggo.

Sinasabi naman sa panlipunang turo ng Simbahang Katolika ang pagbibilanggo ay hindi lamang para parusahan ang mga taong lumalabag sa batas sa halip ay upang mapaghilom ang pagkasirang tinamo ng mga nagkasala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,797 total reads

 214,797 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 249,470 total reads

 249,470 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 265,370 total reads

 265,370 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,860 total reads

 301,860 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,703 total reads

 307,703 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 47,164 total reads

 47,164 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top