Pagkamit sa panlipunang katarungan para sa mga maralitang magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

Ito ang pangunahing isusulong ni incoming Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa kanyang pag-upo bilang bagong kalihim ng naturang kagawaran.

Pagbabahagi ni Mariano, ang pagsasaayos sa matagal ng hinaing ng mga benipisyaryong magsasaka ng lupang agraryo sa bansa ang pangunahing tutukan ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan sa ilalim ng kanyang pamumuno upang muling maibalik ang dangal ng mga magsasaka sa bansa na nananatiling pinaka-produktibong pwersa o sektor sa bansa.

“yun nga po kailangan po natin ng kung papaano talaga tunay at lubos na paiiralin yung hustisyang panlipunan lalo na sa kanayunan sa layunin po nating ma- rectify yung historical social injustice na matagal ng dinaras nung ating mga magsasaka na masasabi nating isa pa ring nananatiling pinakamalaking produktibong pwersa sa ating bansa..” pahayag ni Mariano sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod dito, tiniyak rin ng bagong kalihim ang pagsisiyasat at imbentaryo sa Land Acquisition and Distribution Accomplishment ng DAR kung saan noong Disyembre taong 2015 ay tinatayang umaabot na sa 4.7-milyong ektaryang lupain ang naipamahagi sa tinatayang 2.7-milyong benipisyaryong magsasaka sa bansa.

“una po yung mabilisang imbentaryo ng Land Acquisition ang Distribution Accomplishment ng DAR, alam ko po naman ay may mga nakatipon ng datus dyan data base at titingnan po natin yung pinakahuling ulat po ng DAR na as of December 2015 ay meron na daw po mga 4.7-million hectares na naipamahagi na o nai-award na sa may tinatayang 2.7-million Agrarian Reform Benificiaries sa ating bansa..” dagdag pahayag ni Mariano.

Batay sa 2009 Official Poverty Statistics for the Basic Sector ng National Statistical Coordination Board, pumangalawa ang mga magsasaka sa may pinakamataas na poverty incidence sa bansa na nasa 36.7 percent.

Sa inilabas na Pastoral Statement ng Catholic Bishops’ Conference of the hilippines noong 2013, nanawagan ito sa pamahalaan na maging seryoso sa pagpapatupad ng mga reporma tulad ng CARPER upang mabigyan ng katarungan ang mga magsasaka.(Reyn Letran

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,414 total reads

 13,414 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,552 total reads

 14,552 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,689 total reads

 29,689 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,066 total reads

 67,066 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,336 total reads

 98,336 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,690 total reads

 173,690 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,477 total reads

 266,477 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,878 total reads

 25,878 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top