Tulong sa mga Lumad dahil sa karahasan, pinaigting

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 908 total reads

Patuloy na tumutulong at inaalam ng Quick Response Team ng National Commission on Indigenous People (NCIP) sa CARAGA Region ang naging ugat ng problema ng mga tribu ng Lumad at tribu ng Magahat sa Agusan del Sur.

Ayon kay Jean Gonzalez – Head ng Quick Response Team ng National Commission on Indigenous People (NCIP) sa CARAGA Region patuloy ang pakikipagpulong ng lokal na pamahalaan sa mga tribo ng Lumad mula sa apat na Sitio sa lalawigan upang mas epektibong makapagpaabot ng tulong sa mga lumikas na katutubo mula sa kanilang mga lugar.

Nagsampa na rin ng kaso ang anak ng isa sa mga Lumad na pinatay ng grupo ng mga Magahat sa Agusan del Sur.

“Tinawag yung ibang IP doon, nag-attend doon sa meeting para kunin yung ano ba talaga yung problema doon, anong maitulong ng LGU so yun nga huminge ng assistance tapos nag-file na sila sa yung anak nagfile na ng kaso doon sa pulis..” Ang bahagi ng pahayag ni Gonzalez sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa tala kumisyon, umabot sa 110 pamilya ang lumikas mula sa 4 na sitio sa Agusan Del Sur na katumbas ng nasa 479 na indibidwal dulot na rin sa takot at panganib sa kanilang buhay ng mga armadong grupo ng tribo Magahat sa lalawigan na wala aniyang pinipili sa pagpaslang.

Sa pagsisiyasat ng NCIP-CARAGA Region, personal na hidwaan ang dahilan ng kasalukuyang kaguluhan at insidente ng karahasan sa lalawigan ng Agusan del Sur na nagsimula pa noong nakalipas na taon.

Kaugnay nga nito, binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Encyclical Letter na Laudato Si ang pagbibigay ng malaking papapahalaga sa mga tribo at katutubo na siyang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,525 total reads

 39,525 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,627 total reads

 119,627 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,075 total reads

 153,075 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,373 total reads

 188,373 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,405 total reads

 413,405 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top