Magkahiwalay na inauguration ni Duterte at Robredo, pagpapakita ng hindi pagkakaisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 456 total reads

Tanging tradisyon at hindi ang nasasaad sa konstitusyon ang malalabag ng nakatakdang hiwalay na inauguration o panunumpa sa katungkulan ng bagong Pangulo at Pangawalang Pangulo ng bansa.

Ayon kay Veritas 846 Senior Political Advisor Prof. Ramon Casiple – Executive Director of Institute for Political and Electoral Reform, walang nasasaad sa batas kaugnay ng magkasamang inauguration ng dalawang pinakamataas ng pinuno ng bansa.

Sinabi ni Casiple na ang hiwalay na panunumpa ay nagpapakita nang hindi maayos na komunikasyon at ugnayan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

Sa ika-30 ng Hunyo, nakatakda ang opisyal na inagurasyon nina Incoming President Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo, kung saan gaganapin sa Malacañang ang panunumpa sa pagkapangulo ni Duterte habang ang inauguration ni Robredo ay sa Quezon City Executive House o ang tinaguriang Boracay mansion.

Ayon sa Incoming Presidential Communications Operations Office, limitado lamang sa 540 panauhin ang makikilahok at dadalo sa panunumpa sa katungkulan ni incoming president Duterte sa Malacañang.

Batay sa kasaysayan ng Pilipinas, kadalasan magkasunod at iisa lamang ang lugar kung saan opisyal na nanunumpa sa katungkulan ang bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 71,824 total reads

 71,824 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,078 total reads

 107,078 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,378 total reads

 142,378 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,647 total reads

 368,647 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,084 total reads

 258,084 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top