Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Laudato Si, malakas na boses ng Simbahan sa pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 365 total views

Nagpaabot ng pasasalamat ang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa unang anibersaryo ng pagsasapubliko ng ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, nasaksihan nito ang malawak na impluwensyang ibinigay ng Laudato Si sa ilang lider ng mga bansa na nagpasyang gumawa ng mga programang mangangalaga sa kalikasan.

“We are very very thankful that Holy Father ay nagbigay s’ya ng message na Laudato Si, and we are also thankful to the government and nations who came together and discuss what to do in order to protect [the environment], at nakita ko [dito] ang contribution ng Laudato Si,”pahayag ni Bishop Medroso sa Radio Veritas

Hinimok naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang taumbayan na magbalik tanaw sa mga aral na ibinahagi ni Pope Francis sa Laudato Si na nararapat isaisip,isapuso at isabuhay.

Binigyang diin rin ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo ang malaking papel na ginampanan ng Laudato Si upang magkaroon ng boses ang simbahan sa usaping pang kalikasan.

“Ang maganda dito sa Laudato Si ay nabigyan ng religious motivation itong ating pag-iingat sa environment, kasi ang magandang motibo para talaga tayo kumilos, ay yung aspekto ng ating pananampalataya makita natin na ito’y ating obligasyon sa Diyos, at obligasyon natin sa buong kalikasan sa buong mundo.” Pagbabahagi ni Bp. Arigo

Binigyan diin naman ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na isa itong magandang pagkakataon, upang muling paalalahanan ang bawat isa tungkol sa kahalagahan ng pagprotekta sa kalikasan na iniregalo ng Panginoon sa tao.

Gayundin sinabi nitong, malaking hamon ang kahaharapin ng bawat tao at kinakailangan ng matibay na pagkakaisa upang makamit ang environmental justice.

“We are given the challenge to look on the environment, we have to protect it in terms of its integrity and in terms of its sustainability for future generation so para sakin this is one way to educate all generation, we welcome the gift of God that it is a gift for all and we have to work for environmental justice for everyone,” pahayag ni Abp. Ledesma.

Hinikayat naman ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang mga mananampalataya sa unang anibersaryo ng Laudato Si na magsama-sama sa pagpapanumbalik ng magandang paraisong nilikha ng Panginoon.

“Lahat tayo, sama-samang ibalik ang magandang paraiso na nais ng Diyos na dapat tayong mga anak ng Diyos ang magpayaman ang mag-alaga, at ating lalong pagandahin, kaya tayo sa ating unang anibersaryo ng Laudato Si sana’y isang tinig tayong mananalangin at sisigaw na ipagtanggol nating sama-sama ang ating kapaligiran gawin natin ang daigdig na ito na umpisa na ng ating buhay na maligaya at masagana sa langit,” pagbabahagi ni Abp. Arguelles.

Sa Sabado ika-18 ng Hunyo, magsasagawa ng programa para sa anibersaryo ng Laudato Si ang Global Catholic Climate Movement o GCCM-Pilipinas na may temang “Laudato Si: Pasasalamat at Pagsasabuhay.”

Gaganapin ito sa University of Santo Tomas Medicine Auditorium simula alas Otso hanggang alas Onse ng tanghali, at lahat ay inaanyayahang dumalo sa pagtitipon.

Bukod sa Pilipinas, inaasahang kasabay ring magsasagawa ng programa para sa Laudato Si ang may 300 Catholic Organizations sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,763 total views

 42,763 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,244 total views

 80,244 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,239 total views

 112,239 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,978 total views

 156,978 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,924 total views

 179,924 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,183 total views

 7,183 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,781 total views

 17,781 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 215,223 total views

 215,223 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 159,069 total views

 159,069 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top