Walang demolisyon walang relokasyon, tunay na tulong sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total reads

Ikinatuwa ni Fr. Pete Montallana, coordinator ng Diocese of Infanta’s Indigenous Peoples’ Apostolate at lead convernor ng SILAI o Sikap-Laya Inc., ang pahayag ng administrasyong Duterte na walang demolisyon kung walang relokasyon.

Ayon sa pari, ito ang kailangan ng mahihirap ngayon, ang tunay na tulong mula sa pamahalaan kaya’t kinakailangan din aniya na maibalik ang restorative justice sa bawat isa lalo na ang Pilipinas ay para sa lahat ng mga Filipino at hindi para sa iilang tao lamang.

“Akoy natutuwa sa deklarasyon ni incoming president Duterte na kung walang demolisyon walang relokasyon yun ang kailangan ng taong-bayan at kung titingnan sa kasaysyan ang kahirapan ay hindi ganito ng tao kundi minana natin sa sistema ng di makatarungan gaya ng pang-aaagaw ng mga lupa, sa Sri Lanka ang lupa ay pag-aari lahat ng gobyerno at ang tao na nangangailangan ng lupa ay binibigyan, ‘yan ang dapat ang lupa ay pantay para sa lahat, ang mayayaman nang-agaw ng titulo at pagkatapos na-eject ang mahihirap, ang panawagan ng Diyos sa atin, ay mahalin ang isat-isa lalo na ang mga dukha, kaya ‘yung restorative justice na maibalik natin sa bawat isa dahil lahat tayo ay nilalang na Filipino para sa Pilipinas at hindi ang Pilipinas para sa iilang tao lamang.” Pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag pa ni Fr. Montalla, dapat ring matigil ang katiwalian sa gobyerno upang mapunta mismo sa taong-bayan ang serbisyong nais nila na sila ang dapat makinabang lalo’t mula sa kanila ang pondo.

Ayon sa pari, ang magandang pundasyon gaya ng tahanan ang sisimulan ng tao para makapagbagong buhay tungo sa kaunlaran.

“Kailangan ng in-site and on-site relocations, para malapit sila sa trabaho nila maraming pera ang gobyerno pero di naman nagagamit sa taong bayan nilalagay lang sa bulsa, kaya itong kanyang sinasabi na malabanana ang katiwalian at unahin ang mahihirap, gaya sa Singapore, inayos talaga ang relokasyon kaya ang mga tao dahil may pundasyon na maganda nagsumikap na, gaya sa Bagong Bario, ibinigay sa tao binayaran nila unti unti, ngayon ang Bagong Bario umunlad na nga ng husto.” Ayon pa kay Fr. Montallana.

Sa ulat ng Metro Manila Development Authority noong 2011, 25 porsiyento ng populasyon ng Metro Manila ay squatters.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 25,980 total reads

 25,980 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 112,504 total reads

 112,504 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 159,243 total reads

 159,243 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 207,115 total reads

 207,115 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 309,779 total reads

 309,779 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,285 total reads

 312,285 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,636 total reads

 418,636 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top