258 total views
Inamin ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities in the Philippines o COTESCUP na nahihirapan ang mga guro sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa na makahanap ng trabaho.
Ayon kay COTESCUP lead convenor Rene Tadle, na kawalipikado naman ang ilang mga guro sa posisyong kanilang pinag – aaplayan ngunit inilalagay ang mga ito sa mas mababang posisyon.
Ginawa ni Tadle ang pahayag matapos na banggitin ni incoming Department of Education Sec. Leonor Briones na nasa mahigit 30 libong mga guro ang kinakailangan pa rin ng kagawaran.
“Yung mga teachers coming from colleges and universities nag–aaply sa public shools yung iba nate–turn–off kasi while they are qualified they are given the lowest rank. Kasi ang sinasabi nila na the rank that will be given them is based on their qualification, hindi nangyayari yun. I think most of them leave their application parang ayaw na raw nilang mag–apply,” bahagi ng pahayag ni Tadle sa panayam ng Veritas Patrol.
Panawagan naman ni Tadle kay President elect Rodrigo Duterte na makaipag–pulong sa ilang mga apektadong sektor tulad nila upang mailahad ang kanilang mga hinaing lalo na at mahigit 26 na libong mga guro ang nawalan ng trabaho dahil sa K-12 program.
“…we are calling on President Duterte to talk to the affected sectors, the teachers and the parents and the students. Kasi ipagpapatuloy natin itong K – 12 tiyak ko na ang mararanasan natin alam naman natin na ngayon pa lang talagang 400 to 700 thousand na estudyante na hindi pa nag – eenroll. Ang projection kasi ng DepEd 1.5 million, bakit 400, 500 lang ang hindi pa nag – eenroll? Bakit ganun kulang pa? so ibig sabihin hindi talaga sila makakapag – aral,” bahagi ng pahayag ni Tadle sa Radyo Veritas.
Batay naman sa tala ng Department of Education nasa 400 hanggang 700 libong estudyante ang hindi pa nakapag–eenroll malayo sa ianaasahang 1.5 milyong maga–aaral.
Nauna na ring pinaburan ng mga obispo ang pagtataas ng matrikula ng ilang mga private schools sa bansa dahil sa kinakailangan ring taasan ang sahod ng mga guro sa mga pribadong paaralan.