256 total views
“Kinakailangan ng paigtingin ng Simbahan ang pagtulong sa mga nagugutom.”
Ito ang inihayag ni outgoing Diocese of Kabangkalan Bishop Patricio Buzon matapos ang talumpati ng kanyang Kabanalan Francisco sa United Nations World Food Programme.
Aniya, sa paglago ng panahon at teknolohiya nas lalong kinakailangan ring palaguhin ng Simabahan ang kanyang misyon sa pagtulong sa mga mahihirap ng lipunan sa gitna pa rin ng matinding korapsyon na nangyayari sa gobyerno.
“This is already an negotiable item especially for us church na ipapasok sa mga pastoral work natin, because we have no reason in this time that with all the resources that we have and all the technology na may hunger pa. Off course maraming factors with the government corruption, precisely in this regard we have to organize ourselves as church,” bahagi ng pahayag ni Buzon sa panayam ng Veritas Patrol.
Ginunita rin nito ang naging pahayag ni Caritas Internationalis President Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na kung mababawasan lamang ang pagtatapon ng mga kinakailangan pang bagay ay kahit papaano ay makatutulong tayo sa mga mahihirap.
“One thing for instance that Cardinal Tagle was expressing with one of his intervention in Caritas that if only we can reduce waste so much we can save to give solution to at least a part of solution to hunger,” giit pa ni Bishop Buzon sa Radyo Veritas.
Nabatid na batay sa ulat ng UN World Food Program na 795 milyon ng kabuoang 7.3 bilyong populasyon ng buong mundo, o isa sa bawat siyam ang nakararanas ng matinding kagutuman nitong taong 2014 hanggang 2016.