305 total views
Nauunawaan ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang hindi pag–veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa Comprehensive Nursing Law o ang batas na magdaragdag sana sa sahod ng mga nurse.
Ayon kay Archbishop Cruz, lalabas lamang na nagpspasikat ang Pangulong Aquino nilagdaan niya ang panukala na wala sa kanyang priority bills.
“Naunawaan ko kasi siya (President Aquino) baka sabihin ng tao ngayon niya pipirmahan pag paalis na siya at samakatuwid okay lamang. Matagal–tagal na yan hindi niya pa pinipirmahan pagkat tinitipid ang pera o kung saan nilalagay ang pera ng kaban ng bayan. Kung pumirma sila ngayon sa mga bagay na nagbibigay biyaya sa mga tao baka sabihin ginagawa niyo yan para lamang siya mapuri ngayong palabas na siya. Nauunawaan ko bagaman mali,” banggit ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.
Nilinaw naman ni Archbishop Cruz na nararapat namang taasan ang sahod ang sektor mga manggagawa lalo na ng mag nurse. Iginiit rin nito na hindi ito isapin ng palakihan ng sahod kundi palakihan ng serbisyo na ibinibigay sa bayan.
“Pero para sa akin hindi naman palakihan ng sweldo yan kundi palakihan ng serbisyo sa bayan. Yun ang matindi diyan tapatin natin yung ating public officials etc., mas madali ang trabaho nila kaysa sa mga nurses at mga laborers. Nakakahiya mang tukuyin ito ito naman ay totoo at hindi naman sekreto yan,” sambit pa ni Cruz sa Radyo Veritas.
Sa ilalim ng Comprehensive Nursing Law, iminumungkahi ang pagtataas ng sahod ng mga nurse ng 4 na beses mula sa kasalukuyang minimum base pay.
Nabatid na batay sa datos ng party list na Ang Nars nasa 500 libo na ang bilang ng walang trabahong nurses sa bansa.