Sedition case sa 35 personalidad, malaking kasinungalingan at pagsasanayang ng oras

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Malaking kasinungalingan at pagsasayang ng panahon ang kasong isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection sa piskalya laban sa 36 katao na isinasangkot sa planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.

Ito ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David-bise presidente ng CBCP na kabilang sa mga kinasuhan ng sedisyon, libel at pagkakanlong sa isang kriminal.

“Yun kasi ang hindi namin maintindihan dahil ang complainant ay PNP-CIDG pero ang batayan ng complaint nila ay testimonya ng isang respondent (Joemel Advincula aka Bikoy) na hindi naman state witness),” ayon kay Bishop David.

Inamin naman ng obispo na ito ang kauna-unahang niyang kasong kriminal na kinakaharap na ang tanging basehan ay ang testimonya ng katulad niyang akusado na si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

“Nakaka-guilty na ang daming mga tao na kailangan ang abogado, yung iba nabubulok sa bilangguan hindi pa nag-u-undergo ng hearing sa husgado. Can you imagine yung ibang detainees natin… yung what if the time comes na magdecide yung husgado tapos they are found to be innocent tapos ilang taon na sila languishing in jail,” ayon pa kay Bishop David.

Ayon pa kay Bishop David, maraming kaso ang dapat na bigyan ng pansin ng mga abogado sa halip pagsayangan ng oras ang kasong walang katuturan at walang batayan.

Bukod kay Bishop David, kabilang din sa mga kinasuhan ng sedisyon at libel sina Archbishop Socrates Villegas, Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. at Bishop Honesto Ongtioco.

Umaasa si Bishop David na tuluyan ng ibasura ng DOJ ang kaso na ibinase ng PNP-CIDG sa walang kredibilidad at bayarang testigo na si Bikoy.

“Sana naman pagdating ng September 6 which is going to be the next hearing sa Department of Justice ay talagang mabigyan nila ng resolution para naman huwag magsayang tayo ng panahon sa mga bagay na walang katuturan.”

Nakatakda naman ang susunod na preliminary investigation ng Department of Justice sa ika-6 ng Setyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,426 total reads

 73,426 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 151,935 total reads

 151,935 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,383 total reads

 185,383 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,680 total reads

 220,680 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,235 total reads

 444,235 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top