Pari, sugatan sa pamamaril sa Laguna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total reads

Umaasa si San Pablo Laguna Bishop Buenaventura Famadico na malutas ang naganap na pananambang sa San Pablo City nitong Lunes kung saan kabilang sa sugatan ang isang pari.

Ayon sa Obispo hindi kailanman katanggap-tanggap ang paggawa ng masama sa lipunan lalo na ang paghahasik ng karahasan kaya’t mariin nitong kinokondena ang nangyaring pananambang.

“Ipagdasal nalang natin na sana ay mahuli na yung salarin at magkaroon na ng justice ang mga biktima,” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas.

Batay sa ulat ng Provincial Police Office ng Laguna, lubhang nasugatan sa pananambang si Barangay Concepcion Councilor Richard Galit makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sakay ng motorsiklo habang nasugatan naman sa kaliwang balikat si Fr. Emil Larano na nasa kabilang lane ng tambangan ang sasakyan ni Councilor Galit.

Ayon kay Bishop Famadico nasa mabuting kalagayan na ang Pari at kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan sa lalawigan.

“He [Fr.Larano] was in the wrong place in the wrong time kasi iba naman yung tinatarget, nadamay siya,” ani ni Bishop Famadico.

Tiwala ang Obispo na pinaiigting ng pulisya ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari upang madakip ang mga suspek at mapanagot sa batas ang mga salarin.

Mariing tinututulan at kinokondena ng Simbahang Katolika ang mga patayang nagaganap sa lipunan lalu na ang higit sa 20, 000 biktima ng hinihinalang extra judicial killing dulot ng war on drugs ng gobyerno na tila sinasamantala ng ilang na may personal na galit at itinuturing na kaaway.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,913 total reads

 63,913 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,782 total reads

 142,782 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,227 total reads

 176,227 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,526 total reads

 211,526 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,457 total reads

 435,457 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top