Pari, sugatan sa pamamaril sa Laguna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 469 total views

Umaasa si San Pablo Laguna Bishop Buenaventura Famadico na malutas ang naganap na pananambang sa San Pablo City nitong Lunes kung saan kabilang sa sugatan ang isang pari.

Ayon sa Obispo hindi kailanman katanggap-tanggap ang paggawa ng masama sa lipunan lalo na ang paghahasik ng karahasan kaya’t mariin nitong kinokondena ang nangyaring pananambang.

“Ipagdasal nalang natin na sana ay mahuli na yung salarin at magkaroon na ng justice ang mga biktima,” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas.

Batay sa ulat ng Provincial Police Office ng Laguna, lubhang nasugatan sa pananambang si Barangay Concepcion Councilor Richard Galit makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sakay ng motorsiklo habang nasugatan naman sa kaliwang balikat si Fr. Emil Larano na nasa kabilang lane ng tambangan ang sasakyan ni Councilor Galit.

Ayon kay Bishop Famadico nasa mabuting kalagayan na ang Pari at kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan sa lalawigan.

“He [Fr.Larano] was in the wrong place in the wrong time kasi iba naman yung tinatarget, nadamay siya,” ani ni Bishop Famadico.

Tiwala ang Obispo na pinaiigting ng pulisya ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari upang madakip ang mga suspek at mapanagot sa batas ang mga salarin.

Mariing tinututulan at kinokondena ng Simbahang Katolika ang mga patayang nagaganap sa lipunan lalu na ang higit sa 20, 000 biktima ng hinihinalang extra judicial killing dulot ng war on drugs ng gobyerno na tila sinasamantala ng ilang na may personal na galit at itinuturing na kaaway.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 117,377 total views

 117,377 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 241,788 total views

 241,788 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 281,647 total views

 281,647 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 355,001 total views

 355,001 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top