Sedition case sa 35 personalidad, malaking kasinungalingan at pagsasanayang ng oras

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total reads

Malaking kasinungalingan at pagsasayang ng panahon ang kasong isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection sa piskalya laban sa 36 katao na isinasangkot sa planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.

Ito ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David-bise presidente ng CBCP na kabilang sa mga kinasuhan ng sedisyon, libel at pagkakanlong sa isang kriminal.

“Yun kasi ang hindi namin maintindihan dahil ang complainant ay PNP-CIDG pero ang batayan ng complaint nila ay testimonya ng isang respondent (Joemel Advincula aka Bikoy) na hindi naman state witness),” ayon kay Bishop David.

Inamin naman ng obispo na ito ang kauna-unahang niyang kasong kriminal na kinakaharap na ang tanging basehan ay ang testimonya ng katulad niyang akusado na si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

“Nakaka-guilty na ang daming mga tao na kailangan ang abogado, yung iba nabubulok sa bilangguan hindi pa nag-u-undergo ng hearing sa husgado. Can you imagine yung ibang detainees natin… yung what if the time comes na magdecide yung husgado tapos they are found to be innocent tapos ilang taon na sila languishing in jail,” ayon pa kay Bishop David.

Ayon pa kay Bishop David, maraming kaso ang dapat na bigyan ng pansin ng mga abogado sa halip pagsayangan ng oras ang kasong walang katuturan at walang batayan.

Bukod kay Bishop David, kabilang din sa mga kinasuhan ng sedisyon at libel sina Archbishop Socrates Villegas, Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. at Bishop Honesto Ongtioco.

Umaasa si Bishop David na tuluyan ng ibasura ng DOJ ang kaso na ibinase ng PNP-CIDG sa walang kredibilidad at bayarang testigo na si Bikoy.

“Sana naman pagdating ng September 6 which is going to be the next hearing sa Department of Justice ay talagang mabigyan nila ng resolution para naman huwag magsayang tayo ng panahon sa mga bagay na walang katuturan.”

Nakatakda naman ang susunod na preliminary investigation ng Department of Justice sa ika-6 ng Setyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 26,679 total reads

 26,679 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 60,598 total reads

 60,598 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 97,080 total reads

 97,080 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 115,293 total reads

 115,293 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 198,190 total reads

 198,190 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top