Bishop Gaa, natakot sa pagkakahirang bilang Obispo ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 902 total reads

Inamin ni Most Rev. Bishop Roberto Gaa, bagong talagang Obispo ng Diocese of Novaliches na takot ang una niyang naramdaman matapos siyang hirangin ni Pope Francis.

Sa kabila ng takot, malugod na tinanggap ni Bishop Gaa ang bagong tungkulin dahil magiging kalakbay niya ang Panginoon.

Tiwala ang bagong Obispo ng Diocese of Novaliches na pupunuin ng Panginoon ang kanyang mga pagkukulong para gabayan ang mahigit sa 2.5-milyong Katoliko ng nasabing Diyosesis.

Ibinahagi ni Bishop Gaa na tahimik ang buhay niya sa seminaryo na malayo sa kaguluhan at eskandalo na ibang-iba sa tungkuling gagampanan niya bilang Obispo.

“You welcome the changes that God brings to you”.pahayag ni Bishop Gaa sa Radio Veritas

Inihayag ng Obispo na nakakatakot ang bagong tungkulin ngunit namamangha naman ito sa kanyang mga natutuklasan.

“Kung ika’y tinawag ng Diyos, totoong masusurpresa ka, pero makakampante ka rin kasi alam mo, ang Diyos ang tumawag sayo, ang magiging kaakibat mo, kasabay mo, magpupuno ng iyong pagkukulang sa lahat ng iyong gagawin. Totoo nakakatakot pero sa isang banda, mamamangha ka sa matutuklasan mo, sa mga mangyayari sayo”.pag-amin ng Obispo

Aminado naman si Bishop Gaa na mahirap niyang mapapantayan ang mga ginawa ng itinuturing niyang “giant” na si Bishop Emeritus Antonio Tobias.

“Kahit maliit, he’s really such a giant sa mga ginagawa niya, mahirap palitan ang giant, parang to fit in his large shoes is impossible.”paghanga ng Obispo kay Bishop Tobias

Tiniyak naman ni Bishop Gaa na kanyang pagsusumikapan at pagbutihin pa ang misyon ng isang Obispo, at sisimulan niya ito sa pakikinig at lubusang pagkilala sa mga pari ng diyosesis.

Ngayong ika-24 ng Agosto 2019, pormal na itinalaga si Bishop Gaa na Obispo ng Diocese of Novaliches kung saan pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang installation mass katuwang si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano at mahigit sa 30 mga Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,020 total reads

 59,020 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,128 total reads

 138,128 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,573 total reads

 171,573 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,871 total reads

 206,871 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,001 total reads

 431,001 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,849 total reads

 37,849 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,737 total reads

 30,737 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top