Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,766 total reads

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle.

Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang kahalagahan ng kababaang loob at ang kagandahan ng pagsasalu-salo sa hapag.

HUMILITY, ROLE OF STEWARD

Inihayag ng Cardinal na isa sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng kalikasan ay ang kayabangan ng tao.

Aniya, nawawala ang pagiging mapag-aruga ng tao sa kalikasan dahil sa pagnanais nito na maging mataas tulad ng Panginoon.

Sa ganitong dahilan umiiral ang kayabangan at paggiging gahaman ng tao na nais angkinin ang lahat sa mundo, sa halip na maging tagapag-alaga ng nilikha ng Panginoon.

“A steward is always humble, we are not the presumptive owners, we are stewards, the creator is the rightful owner. The creator wants creation to be a big, big web of gift, mutual giving for God is love. God does not need creation, but it is not a need, it is love. That is creation, that is the rule of the universe. Hndi maisusulong ang creation ng mga taong ilusyonado, ilusyonada na sila ang nagmamay-ari. Hindi po, tagapagalaga tayo. ”

Dagdag pa ni Cardinal Tagle, nakababahala ang pag-iral ng ganitong ugali ng tao na maging ang kanyang kapwa ay tinitignan bilang gamit na maaaring ibenta at pagkakitaan.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang tunay na pagiging steward o tagapangalaga ng Panginoon ay pagpapakita ng kapakumbabaan na naglilingkod sa Diyos at sa lahat ng Kan’yang nilalang.

THE BEAUTY OF MEALS

Samantala, binigyang diin rin ni Cardinal Tagle ang kagandahan ng pagsasalu-salo sa biyaya ng Panginoon.

Tinukoy nito ang kahulugan ng “meals” na hindi lamang ang pagkain ng isang tao, kun’di ang pagsasalu-salo at hindi ang pagiging makasarili sa biyaya ng kalikasan.

Ipinaalala nito na ang pagbabahaginan sa pagkaing nagmula sa Panginoon ay ang tunay na nagpapakita ng kahulugan ng tema ng Season of Creation ngayon na Web of Life.

“The expression web of life is experienced in a unique way of sharing meals. Kung mag-isa ka hindi meal yan, ang meal nagsasalu-salo kayo, the fruits of the earth and the work of human hands. Kapag sabay-sabay kayo na tututo ka to care, dahil ang kukunin mo yung sapat lang sayo, mayroon pang ibang kukuha.” Dagdag pa ng ng Cardinal.

Tinatayang apat na libong mga mananampalataya ang nakiisa sa ikatlong taon ng pagsasagawa ng Walk for Creation, bilang tanda ng pagbubukas ng Season of Creation tuwing unang araw ng Septyembre hanggang ika-4 ng Oktubre.

Kasabay naman nito, una nang idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang September 1, bilang World Day of Prayer fpr Care of Creation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,321 total reads

 18,321 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,721 total reads

 52,721 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,203 total reads

 89,203 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,415 total reads

 107,415 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,796 total reads

 190,796 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,610 total reads

 378,610 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top