May puso ang RA 10592, ginamit lamang sa corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 769 total reads

Ito ang pagninilay ni Sr. Zeny Cabrera – Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry Coordinator kaugnay sa layunin ng Republic Act (RA) 10592 o ang Conditional Expanded Good Conduct Time Allowance na naglalayong mapalaya ang mga bilanggo na nakapagpakita ng good behavior sa loob ng bilangguan.
Inihayag ng Madre na bilang bahagi ng Prison Ministry ng Simbahan at sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice, Bureau of Corrections at sa Board of Pardons and Parole ay naging malinaw ang pagpapaliwanag sa layunin at nilalaman ng nasabing batas na nagpapakita ng puso para sa mga bilanggong nagnanais makapagbagong buhay.

“Itong IRR Republic Act (RA) 10592 ito po ay naipaliwanag sa amin ng husto, sa aming pakikipag-ugnayan sa ating DOJ, BuCor at lalong lalo na po sa Board of Pardons and Parole nakikita ko po na dito ipinapakita na may puso ang batas, may puso ang batas…”pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Tiniyak rin ni Sr. Cabrera na nakahanda ang Panginoon na patawarin ang mga nagkasala sa lahat ng pagkakataon.

Nilinaw ng Madre na mahalaga ang malinis na kalooban at tapat na pagsisisi ng mga bilanggo sa nagawang kasalanan at pagkakamali upang ganap na mapatawad ng Panginoon.

“Kung ang isang inmate ay may magandang kalooban at matinding pagnanais na makalaya sa kanyang kasalanan at sa kanyang nagawang pagkakamali matinding pagkakamali sa buhay, mayroong Diyos na nagpapatawad…” Dagdag pa ni Sr. Zeny Cabrera.

Naunang inihayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs na naaangkop na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lahat ng mga nagkasala ngunit dapat na matiyak na ang pagpapalaya sa mga ito ay nauukol sa sinasabi ng batas.

Read: Nasa likod ng pagpalaya sa mga convict ng heinous crimes, kailangang parusahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,643 total reads

 67,643 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,347 total reads

 146,347 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,794 total reads

 179,794 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,091 total reads

 215,091 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,841 total reads

 438,841 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top