11,000 katutubo, mawawalan ng tirahan sa Kaliwa dam project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,190 total reads

Naninindigan ang pinunong pastol ng Diyosesis ng Antipolo laban sa pagtatayo ng Kaliwa Dam dahil sa matinding epekto nito sa kalikasan at mamamayan.

Tinawag ni Bishop Francisco De Leon na malaking panganib ang dam sa komunidad ng Tanay partikular sa mga katutubong Dumagat – Remontado na naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre.

“Tutol kami [Diocese of Antipolo] sa Kaliwa Dam na gagawin dahil lulubog ang ilang lugar sa Tanay,” pahayag ni Bishop De Leon sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Obispo na tatlong diyosesis ang apektado sa pagtatayo ng dam ang Infanta, Laguna at Antipolo kaya’t maraming mga Filipino ang nanganganib mawalan ng tahanan at kabuhayan.

Naunang inihayag ng Dumagat tribe ang pangambang mawala ang mga lupang minana at sisirain ng dam ang mga lupang sakahan, kabahayan maging ang mga bahay dalanginan.

Sa pagtaya ni Dumagat tribe leader Octavio Pranada nasa 11, 000 katutubo ang pinangangambahang mawalan ng tirahan kapag masimulan ang proyekto.

Sinabi naman ni Bishop De Leon na may Quasi Parish ang nakatalaga sa Tanay Rizal kung saan sakop nito ang 12 mga kapilya na kabilang sa mawawala kung ipagpatuloy ang pagtatayo ng dam.

“Kapag natuloy ang Kaliwa Dam, 10 sa mga kapilya ay lulubog, so dalawa nalang ang matitira,” ani ng Obispo.

CHINA vs. JAPAN FUNDED DAM

Samantala, mas kinatigan ni Bishop De Leon ang dam proposal ng Japan kumpara sa China sapagkat maliit lamang ang maging epekto nito sa komunidad na pagtatayuan ng Kaliwa Dam.

“Mas mabuti pa ang mungkahi ng Japan sapagkat hindi ganoon kataas ang gagawing parang dam kundi mababa lamang kaya hindi masyado ang epekto sa environment, sa mga katutubo at kaunti lang ang mga kapilya na lulubog,” saad pa ni Bishop De Leon.

Batay sa mungkahi ng isang Japanese firm isang ‘weir’ ang gagawin o low type ng dam na may taas na 7 metro lamang mas mababa kumpara sa 62 meters high na mungkahi ng China.

Ipinagpilitan naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na mas kinakailangan ng bansa ang impounding dam tulad ng iminungkahi ng China na gagawa ng Kaliwa Dam project.

LIABILITIES

Hinihintay ni Bishop De Leon ang balak ng gobyerno sa mga katutubong maapektuhan sa gagawing dam at kung paano ang kabuhayan nito.

Binigyang diin ng Obispo na dapat igalang at pangalagaan ang karapatan ng mga katutubo kaya’t mahalagang ilatag ng mga namamahalang ahensya ang mga programa para sa mga residenteng maapektuhan.

“Dapat nakalista yung mga taong mananagot kapag may nangyari d’yan, yung mga pumirma ang dapat managot,” ani ni Bishop De Leon.

Kinondena rin ng Obispo ang kawalang pagpapahalaga sa mga environmental law.

Tiwala ang Obispo na magkakaisa ang mamamayan ng Antipolo sa pagprotekta sa kalikasan at kapakanan ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagtutol sa itatayong Kaliwa Dam.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,345 total reads

 18,345 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,744 total reads

 52,744 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,226 total reads

 89,226 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,438 total reads

 107,438 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,818 total reads

 190,818 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top