OCD, nababahala sa kawalang katarungan sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,403 total reads

Nanindigan ang Order of Discalced Carmelites (OCD) – Philippine Province of St. Teresa of Jesus na hindi makakamit ang tunay na kapayapaan at pagkakaisa sa bansa kung walang katarungan, katotohanan, at pananagutan sa gitna ng umiiral na krisis pampulitika at moral sa Pilipinas.

Sa pahayag ng kongregasyon sa pamumuno ni Provincial Superior Fr. Joey Maborrang, OCD, lubhang nababahala ang kongregasyon sa mga usapin ng paglabag sa karapatang pantao, extrajudicial killings, pang-aabuso sa kapangyarihan, at kawalan ng pananagutan ng ilang opisyal ng pamahalaan.

“Peace cannot exist without justice, and true unity cannot be achieved without truth and accountability.”

Binigyang-diin din ng kongregasyon na hindi lamang simpleng usaping pampulitika ang kinakaharap ng bansa kundi isang seryosong usaping moral na may direktang epekto sa dignidad ng bawat Pilipino.

“These are not merely political issues. They are moral issues that affect the dignity of every Filipino and call for a response rooted in faith, prayer, and discernment,” ayon sa pahayag.

Tinukoy ng OCD ang mga ulat ng extrajudicial killings, pagharang sa katarungan, pagbawi ng mga subpoena kaugnay ng imbestigasyon sa mga pagpatay, at mga maniobrang pampulitika kaugnay ng impeachment at budget investigations na nagdudulot ng pangamba sa transparency, accountability, at rule of law.

“The Church and the faithful must go beyond superficial acts of charity and courageously confront the systems and attitudes that allow injustice to persist.”

Hinimok naman ng OCD ang mamamayan na manaig ang moralidad at kabutihang panlahat kaysa sa partidong pampulitika at pansariling interes.

“We therefore call on all Filipinos—regardless of political belief or affiliation—to rise above partisan interests and choose what is morally right and beneficial for the common good,” ayon pa sa pahayag.

Pinaalalahanan din ng mga Carmelite ang mamamayan sa kahalagahan ng pananalangin upang mabigyang-kaliwanagan ang karunungan ng bawat isa sa pagtugon sa mga usaping panlipunan.

“Prayer is not passive. Prayer gives us the wisdom and strength to seek what is right and just,” saad ng OCD.

Panawagan ng kongregasyon sa mga Pilipino ang mapayapang pagkilos, panalangin, at sama-samang paghahanap ng katotohanan upang maitaguyod ang isang bansang nakabatay sa katarungan, kapayapaan, at paggalang sa dignidad ng bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 29,525 total reads

 29,525 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 127,716 total reads

 127,716 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 171,985 total reads

 171,985 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 195,094 total reads

 195,094 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 268,785 total reads

 268,785 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top