Huwag gawing “pageantry” ang Santa Cruzan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,049 total reads

Panatilihin ang kasagraduhan ng Santa Cruzan at huwag ikonekta ito sa mga makamundong bagay.

Ito ang paalala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa pagdaraos ng mga Santa Cruzan sa huling linggo ng buwan bilang bahagi ng Flores De Mayo.

Ayon sa Obispo, bagamat tunay na magaganda at guwapo ang mga nagiging kaisa sa tradisyon ay huwag itong mahaluaan ng ‘pageantry’ at sa halip ay isentro sa mga pagdaraos nito ang respeto, kabanalan at pananampalataya.

“Dahil minsan mayroong mga pageantry na nangyayari. At minsan ito po ay kung ano-ano nangyayari doon, kalaswaan at saka sana po ito po ay magkaroon ng respect dahil hindi naman po ito sang-ayon sa ating right reason at sa ating mga gawain, Kung mayroon na tayong disrespect, lalong-lalo na doon sa pageantry,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Florencio.

Umaasa ang obispo na ipagpaliban muna ang mga kasabay na gawain sa mga pagdaraos ng Santa Cruzan at ilipat ito sa ibang panahon upang mapanatili ang kasagraduhan nito at smaiwasan ang pageantry.

Ito ay upang maaalala na ang diwa ng pagdaraos ng Santa Cruzan na paghahanap at pagtatagumpay ng krus ni Hesukristo.

“Siguro iba na lang na paraan, iba na lang na panahon, in a way, ang haba-haba ng maraming araw na pwede pagpilian. Huwag naman i-timing doon sa kung saan nandito yung Flores de Mayo at pag-aalay natin sa Mahal na Birhen. At sana po ay pakinggan itong ating mga kababayan, ating mga mananampalataya. Maraming salamat! God bless!,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Florencio.

Ang Flores de Mayo ay isang tradisyong Katoliko na isinasagawa tuwing buwan ng Mayo bilang pag-aalay ng bulaklak at debosyon sa Mahal na Birheng Maria habang ang Santacruzan naman ay isang marangyang prusisyon na nagsisilbing tampok na pagdiriwang sa pagtatapos nito.

Ginugunita ang Santa Cruzan sa paghahanap ni Reyna Helena sa Banal na Krus na pinagpakuan kay Hesukristo, dahil bahagi ng kulturang pananampalataya sa Pilipinas ang dalawang tradisyon na ipinapakita ang matibay na debosyon ng mga mananampalataya kay Maria, pagpapahalaga sa Krus ni Kristo, at pagpapanatili ng mga kaugaliang Kristiyano na nagbubuklod sa mga pamayanan tuwing buwan ng Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 29,645 total reads

 29,645 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 127,833 total reads

 127,833 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 172,102 total reads

 172,102 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 195,211 total reads

 195,211 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 268,898 total reads

 268,898 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 26,743 total reads

 26,743 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top