Bishop Santos,nag-alay ng special prayer for cancer patients

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,347 total reads

Nag-alay ng natatanging panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa mga cancer patient sa pagbisita ng mga pari ng Diocese of Antipolo sa dambana ng Sanctuary of Our Lady of Lourdes sa France.

Sa kaniyang panalangin, hiniling ni Bishop Santos sa Diyos ang kagalingan, lakas, at pag-asa para sa mga nakikipaglaban sa cancer, lalo na sa mga dumaranas ng takot, pagod, at pangamba dulot ng kanilang karamdaman.

“Lord Jesus, Divine Healer, embrace those who suffer from pain, exhaustion, and anxiety. Touch their bodies with Your healing hand, calm their troubled hearts, and renew their spirit with hope,” bahagi ng panalangin ng obispo.

Ipinanalangin din ni Bishop Santos ang mga pamilya, caregiver, doktor, nars, at lahat ng nangangalaga sa mga may sakit upang patuloy silang maging kasangkapan ng malasakit at pagmamahal ng Panginoon.

Binigyang-diin pa ng obispo na sa gitna ng paghihirap at pagsubok ay nananatiling buhay ang pag-asa at pananampalataya ng tao sa Diyos.

“We entrust all cancer patients to the maternal care of Our Lady of Peace and Good Voyage, that she may wrap them in comfort and bring them closer to Your Son, Jesus,” ayon pa sa panalangin.

Sa datos ng Philippine Cancer Society, umaabot sa 150,000 ang nagkakaroon ng cancer sa Pilipinas kada taon, kung saan karaniwan ang breast at cervical cancer.

Itinuturing naman ang cancer bilang pangalawa sa nangungunang cause of death ng mga Pilipino, partikular ang lung at liver cancer na naitatala sa 21,000 at 11,700 kada taon.

Ang pagbisita ng mga pari ng Diocese of Antipolo sa Lourdes, France ay bahagi ng kanilang pilgrimage at espirituwal na paglalakbay sa isa sa mga kilalang dambana ng kagalingan at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng diyosesis sa ikaapat na sentenaryo ng pagdating ng imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje o Birhen ng Antipolo sa Pilipinas mula sa Mexico, gayundin ang ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng Mahal na Birhen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 11,367 total reads

 11,367 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,663 total reads

 92,663 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,888 total reads

 186,888 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,378 total reads

 247,378 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,728 total reads

 260,728 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,406 total reads

 35,406 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top