Bishop Rapadas sa BEC, maging “locus of synodality”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,166 total reads

Nanawagan si Iligan Bishop Jose Rapadas III sa mga Basic Ecclesial Communities o BECs na maging “locus of synodality” at konkretong tanda ng pag-asa sa gitna ng kahirapan, korapsyon, digmaan, at lumalawak na kultura ng kawalang-pakialam sa lipunan.

Sa kaniyang pastoral message para sa pagdiriwang ng BEC Sunday kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Santatlo sa May 31, binigyang-diin ng obispo na kasalukuyang chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities, na ang Simbahan ay tinatawagan na isabuhay ang synodality o sama-samang paglalakbay bilang pamayanan.

“Today we are asked to express this in what we call synodality: walking together, listening to one another, discerning together, including those at the margins, and sharing responsibility for the mission,” ayon kay Bishop Rapadas.

Ipinaliwanag ng obispo na ang mga BEC ay isa sa mga pinakamalinaw na paraan upang maisabuhay ang tunay na pagkakaisa sa lipunan.

“Our Basic Ecclesial Communities (BECs) are one of the most concrete ways we can live this Trinitarian and synodal identity,” dagdag pa ng obispo.

Nagbabala rin si Bishop Rapadas sa lumalalang sugat ng lipunan, bunsod ng malawakang korapsyon lalo na sa mga institusyong inaasahang mangangalaga sa kabutihang panlahat.

“Corruption robs the poor and destroys trust in institutions for the common good,” giit ng obispo.

Tinukoy rin nito ang mga suliraning pangkalikasan tulad ng mas malalakas na bagyo, pagbaha, pagtaas ng lebel ng dagat, pagmimina, at polusyon na matinding nararanasan ng mga maralita.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Bishop Rapadas ang panganib ng “globalization of indifference” o kultura ng pagiging manhid sa pagdurusa ng kapwa.

“When we grow used to injustice, corruption, war, and environmental destruction, indifference has already taken root,” saad ng obispo.

Ayon kay Bishop Rapadas, ang mga unang Kristiyanong pamayanan na inilarawan sa aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol ay huwaran ng tunay na synodality dahil namuhay ang mga ito sa panalangin, pagbabahaginan, at malasakit sa isa’t isa.

“This is, in a sense, the original ‘Basic Ecclesial Community’: a small local Church where faith, fellowship, and mission mark daily life; where indifference is replaced by concrete solidarity,” paliwanag ni Bishop Rapadas.

Hinimok din ng obispo ang mga BEC na maging aktibong pamayanan hindi lamang sa pananampalataya kundi maging sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng mabuting pamamahala.

“They can also be basic civic communities that help form responsible citizens, offering spaces for honest dialogue on social issues, voter education, and peaceful engagement for the common good, resisting corruption and lies without becoming partisan,” ani Bishop Rapadas.

Sa huli, hinamon ng obispo ang mga BEC na maging buhay na saksi ng pag-asa at pagkakaisa sa gitna ng sugatang daigdig.

Batay sa kasaysayan, dekada sisenta nang maitatag ang BEC, kasunod ng Second Vatican Council, kung saan nangunguna rito ang Brazil at Pilipinas.

Noong 1991, sa Second Plenary Council of the Philippines, naging bahagi ng pastoral priority ng simbahan sa bansa ang BEC na layong mapagtibay ang pamayanan at higit na maisulong ang misyon ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 35,894 total reads

 35,894 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 133,732 total reads

 133,732 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 178,001 total reads

 178,001 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 201,110 total reads

 201,110 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 274,597 total reads

 274,597 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top