May puso ang RA 10592, ginamit lamang sa corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 663 total views

Ito ang pagninilay ni Sr. Zeny Cabrera – Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry Coordinator kaugnay sa layunin ng Republic Act (RA) 10592 o ang Conditional Expanded Good Conduct Time Allowance na naglalayong mapalaya ang mga bilanggo na nakapagpakita ng good behavior sa loob ng bilangguan.
Inihayag ng Madre na bilang bahagi ng Prison Ministry ng Simbahan at sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice, Bureau of Corrections at sa Board of Pardons and Parole ay naging malinaw ang pagpapaliwanag sa layunin at nilalaman ng nasabing batas na nagpapakita ng puso para sa mga bilanggong nagnanais makapagbagong buhay.

“Itong IRR Republic Act (RA) 10592 ito po ay naipaliwanag sa amin ng husto, sa aming pakikipag-ugnayan sa ating DOJ, BuCor at lalong lalo na po sa Board of Pardons and Parole nakikita ko po na dito ipinapakita na may puso ang batas, may puso ang batas…”pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Tiniyak rin ni Sr. Cabrera na nakahanda ang Panginoon na patawarin ang mga nagkasala sa lahat ng pagkakataon.

Nilinaw ng Madre na mahalaga ang malinis na kalooban at tapat na pagsisisi ng mga bilanggo sa nagawang kasalanan at pagkakamali upang ganap na mapatawad ng Panginoon.

“Kung ang isang inmate ay may magandang kalooban at matinding pagnanais na makalaya sa kanyang kasalanan at sa kanyang nagawang pagkakamali matinding pagkakamali sa buhay, mayroong Diyos na nagpapatawad…” Dagdag pa ni Sr. Zeny Cabrera.

Naunang inihayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs na naaangkop na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lahat ng mga nagkasala ngunit dapat na matiyak na ang pagpapalaya sa mga ito ay nauukol sa sinasabi ng batas.

Read: Nasa likod ng pagpalaya sa mga convict ng heinous crimes, kailangang parusahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 212,447 total views

 212,447 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 242,671 total views

 242,671 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 269,315 total views

 269,315 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 364,288 total views

 364,288 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 371,549 total views

 371,549 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top