Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 31,988 total views

Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B
Basic Ecclesial Community Sunday
Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20

Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila. Sabi niya: “Isipin ninyo kung may naganap bang ganito sa ibang mga bayan?” Napakalapit ng Panginoong Diyos sa kanila. Niligtas sila sa pamamagitan ng mga kababalaghan, nagsalita ang Diyos sa kanila at ibinigay sa kanila ang kanyang mga utos. Nakipagtipan ang Diyos sa kanila at ginabayan sila sa disyerto. May iba pa bang bayan na nagkaroon ng ganitong treatment mula sa kanilang diyos? Iisa lang ang Diyos na ito at mayroon kayong espesyal na kaugnayan sa kanya. Kaya sundin ninyo ang kanyang mga utos. Ito ang sabi ni Moises sa mga Israelita.

Espesyal nga ang kaugnayan ng mga Israelita sa Diyos. Pero tayong mga Kristiyano, mas lalong espesyal ang ating kaugnayan sa Diyos. Nagkatawang tao ang Diyos at namuhay siya na kasama natin. Bago umalis si Jesus, nangako siya na magpapadala siya ng isa pang katulong upang gabayan tayo sa katotohanan. Sinabi rin niya na hindi na niya tayo itinuturing na mga alipin pero mga kaibigan kasi ipinaaalam na niya sa atin ang lahat na nanggaling sa Ama. Wala na siyang isinisikreto sa atin. Kaya pinakilala niya na ang iisang Diyos nila ay Ama, Anak at Espiritu Santo. Hindi lang nga kaibigan ang turing niya sa atin. Itinituring pa niya tayo na Anak ng Diyos kaya ibinigay sa atin ang Espiritu upang matawag natin ang Diyos na Ama ko.

Oo, pinaalam sa atin ni Jesus ang lahat tungkol sa Diyos. Sinabi niya sa atin na ang iisang Diyos ay Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay isang Diyos. Pareho sila sa pagka-Diyos pero iba sila sa isa’t-isa. Iba ang Ama sa Anak at iba ang Anak sa Espiritu Santo. Isa sila at tatlo. Kaya isang-tatlo ang turing natin sa Diyos. Siya ay isa’tlo. God is a Trinity, that is, three and one.

Ito ay isang misteryo. Hindi natin ito lubusang maiintindihan pero ito ay nararanasan natin, kasi tayo ay bininyagan, kung baga tinatakan, sa ngalan ng Diyos na Ama, Diyos na Anak at Diyos na Espiritu Santo. Dahil dito iba’t-iba ang ating karanasan sa Diyos. Nararanasan natin siya bilang Ama. Siya ang pinanggalingan ng lahat at siya ang umaakay sa atin. Kinakalinga niya tayo bilang Ama. Bilang mga Anak sinusunod natin ang kanyang utos at nagtitiwala tayo sa kanya. Ang Diyos ay kapatid natin. Naging tao siya at kilala natin siya na Jesus na galing sa Nazareth. Narinig natin ang kanyang mga aral at nakita natin ang kanyang halimbawa. Matutularan natin siya kasi siya ay tao tulad natin sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan kasi ang kasalanan ay hindi bahagi ng ating tunay na pagkatao. Nagpakasakit siya para sa atin at namatay sa krus alang-alang sa atin. Pero siya ay muling nabuhay at umakyat sa langit. Inaabangan at pinananabikan natin ang kanyang muling pagdating. Ang Diyos ay nasa loob natin. Siya ang kapangyarihan na kumikilos sa atin. Siya ang Divine Energy. Kaya natin nagagawa ang ipinapagawa ni Jesus kasi ang Espiritu, ang Energy ni Jesus ay nasa atin. Siya rin ay ang karunungan na gumabagay sa atin sa katotohanan. Talagang kakaiba tayo sa ibang relihiyon kasi ang iisang Diyos natin ay Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang Diyos ay tinitingala natin sa itaas – siya ay Ama; ang Diyos ay kasama natin sa buhay – siya ay Anak na tulad natin; ang Diyos ay nasa loob natin na nagpapalakas sa atin – siya ay Espiritung Banal na nag-eenergize sa atin. God is above us; God is with us; God is within us.

Ano naman ang ibig sabihin nito sa ating buhay? Sinasabi ng Isang-tatlong Diyos na ang pagkakaiba natin sa isa’t-isa ay hindi dapat maging dahilan ng ating pagkakahiwalay. Nakakatulong ang ating pagkakaiba sa ating pagkakaisa. Ganoon din sinasabi sa atin ng Isa’tlong Diyos na ang pagkakaisa natin ay hindi dapat magbura ng ating pagkakaiba. Hindi binabalewala ang ating kanya-kanyang katangian kasi tayo ay nagkakaisa. Nanatili ang ating individuality sa ating unity.

Tignan natin ito sa ating mga pamilya. Iisang pamilya lang tayo, nag-iibigan tayo bilang pamilya at sinisikap natin na magkaisa, pero iba-iba tayo. Iba ang ugali ni Tatay kaysa kay Nanay. Iba ang hilig ni bunso kaysa kay ate. Iba ang kailangan ni Lola kaysa ang kailangan ni Baby. Minamahal natin ang bawat isa kasama ng kanyang katangian, at sa ating pagkakaiba nag-aambag tayo sa ating pagkakaisa.

Ganito rin ang simbahan. Isa lang ang simbahan pero may iba’t-ibang gawain at iba’t-ibang tungkulin at kakayahan. Iba ang gawain ni Father, at iba naman ang nagagawa ng katekista. May ibang may biyayang magpagaling, may iba naman na malakas ang pananampalataya. May mga magaling magsalita at may ibang magaling mag-unawa at makipag-usap. Igalang natin ang iba’t-ibang katangian at gamitin natin ang mga ito sa pag-unlad ng ating pagkakaisa. Ito nga ang ibig sabihin ng synodality – iba’t-iba pero sama-sama sa paglalakbay tungo sa kaharian ng Diyos.

Ang Trinity Sunday ay siya ring BEC Sunday. Ang BEC ay ang Basic Ecclesial Community na siya ang pinakamaliit na grupo ng simbahan. Ito ay tinatawag natin na KRISKA, Kristiyanong Kapitbahayanan. Ang mga kristiyanong magkakapitbahay ay nagtutulungan. Nagkakaisa sila sa pagtugon sa kanilang pangangailangan at sa pag-unlad sa kanilang pananampalataya. Sama-sama silang nagdarasal, sama-samang nagninilay sa Salita ng Diyos at nagtutulungan sila sa kanilang buhay. Hindi tayo maaaring maging Kristiyano na mag-isa. Kailangan natin ang iba sa paglalakbay bilang Kristiyano kasi ang pinaka-utos sa atin ni Jesus ay MAG-IBIGAN KAYO. Mahirap gawin ang pag-iibigan sa Parokya kasi napakaraming mga tao sa ating Parokya at galing tayo sa malalayong lugar. Paano mo iibigin ang tatlong libong tao sa Parokya mo? Kaya pinaghahati-hati natin ang Parokya sa mga Kriska. Magkapitbahay sila, magkakakilala sila at maaari silang magtulungan. Maaari nating mahalin ang mga dalampung pamilya na nasa ating Kriska.

Mayroon po tayong second collection sa misang ito. Ang malilikom natin ay magiging pondo para sa pag-oorganize at pagpapatatag ng ating mga Kriska o BEC.

Sa ating pagsisikap na mamuhay sa pagmamahalan sa ating pamilya, sa ating simbahan at sa ating Kriska o BEC, isinasabuhay natin ang buhay ng Diyos, ang Diyos na isa at tatlo. Mahirap ipaliwanag ang isa’tlo pero ito ay naisasabuhay natin!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 18,806 total views

 18,806 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 26,142 total views

 26,142 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 33,457 total views

 33,457 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 83,779 total views

 83,779 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 93,255 total views

 93,255 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 1,625 total views

 1,625 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 2,955 total views

 2,955 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 7,201 total views

 7,201 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 7,627 total views

 7,627 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 8,688 total views

 8,688 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 9,998 total views

 9,998 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 12,728 total views

 12,728 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 13,913 total views

 13,913 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 15,393 total views

 15,393 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 17,804 total views

 17,804 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 21,089 total views

 21,089 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 23,523 total views

 23,523 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 25,383 total views

 25,383 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 27,693 total views

 27,693 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 33,816 total views

 33,816 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top